Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

TOGETHER

(GMT+08:00) 2013-07-30 16:24:09       CRI

Sa mundo ng kung fu movies, superstar si Donnie Yen. Kilalang-kilala siya sa maaksyong mga pelikula Tulad ng Ip Man 1 at Ip Man 2. Bida rin siya sa Wu Xia at marami pang mga action films.

Si Donnie Yen ang isa sa pinaka-bankable na artista sa Tsina. At inaabangan ang kanyang paggawa ng Crouching Tiger Hidden Dragon II – The Green Destiny. Coming soon po yan.

Ang Together ay love story kung saan bida si Donnie Yen, hindi ito action movie kundi isang romance. Kasama sa cast sina Michelle Chen Angelababy at Ko Chen Tung. Ang Director ay si Clarence Fok na kilala sa pelikulang Naked Killer.

Si Michelle Chen at si Ko Chen Tung ang bida ng You Are the Apple of My Eye. Napanood rin natin si Michelle Chen sa Hear Me. Samantala si Angelababy ay naging bida ng Tai Chi Hero at Tai Chi Zero.

Hindi ito unang pagkakataon na makikita si Donnie Yen bilang romantic leading man. Dahil noong 2011 nagbida siya sa All's Well Ends Well. Nakita rin dito ang kakayahan niyang magpatawa. Hindi sikreto na malapit nang mag 50 anyos si Donnie Yen. Kaya siguradong mababawasan ang maaksyon niyang mga pelikula. Kaya sa pelikulang Wu Xia mas naging angat ang drama. At ngayon sa pelikulang Together, makikita natin ang pagsubok sa ibang role ni Donnie Yen.

Ang Together ay may dalawang love stories. Ang una ay tungkol kay Officer Cool (Donnie Yen) na may "Facial Muscular Expression Deficiency Syndrome". Sa isang eksena sabi ni Cool therapist na, "Ang pagngiti ay hindi bukod tanging paraan para ipakita ang pagmamahal." Sa istoryang ito makikita ang relasyon niya kay Jojo (Michelle Chen), amnesiac at bigo sa pag-ibig.Walang naalala si Jojo dala ng aksidente pero kilala niya si Cool. Kaya pumayag ang mga magulang ni Jojo sa madalas nilang pagkikita bago ito operahan.

Ang ikalawang love story ay tungkol naman kay Nam Lee (Angelababy), materyosa na mahilig sa kilalang brands gaya ng Prada at LV. At ang motto niya ay "Di porke't mayaman ka pwede mo na akong i-date." Kaya reject sa kanya ang palikerong boss na si Foon Lam (Bosco Wong). Sa pamamagitan ng We Chat nakilala ni Nam Lee o "007 in Prada" si "Pork Chop Lover Nikita" (Ko Chen-Tung) at nag-desisyon na magdate sila sa loob ng 7 araw. Kaso si Pork Chop Lover pala ay isang pulis at kailangan niyang imbestigahan si Nam Lee.

Walang matinding kilig moments sa pelikula. Hindi rin ito todo suspense kung ending ang pag-uusapan. Medyo surpresa ang ending ng kwento nila Donnie Yen at Michelle Chen. Si Officer Cool pala ang lifesaver ng dalaga. At kaya siya hindi makangiti ay dahil kailangan niyang protektahan ito matapos mabundol. Napanood ko ang pelikula habang sakay ng eroplano mula Guangzhou papuntang Beijing. Simple ito at puno ng mga dramatic clichés at palasak na romantic touchstones. Kung fan kayo ng mga bagets na artista mag-eenjoy sa panonood kina Ko Chen-Tung at Angelababy na napaka photogenic. Para sa mga guys bonus ang mga eksena ni Angelababy kung saan lagi siyang naka shorts.Pero mukhang palpak ang Production Designer at Stylist ni Michelle Chen dahil ang mga damit nito ay parang bata at walang kadating-dating. Buti na lang bida sa pelikula si Donnie Yen kering keri niya ang role. Cool talaga siya sa pagka pulis. Minsan nakakatawa at minsan naman manggigigil ka at tatanungin sa sarili bakit kaya niya ginawa ang pelikula.

RATING: Machelle at Andrea: 8

Sina Officer Cool (Donnie Yen) at Jojo


1 2
May Kinalamang Babasahin
mac
v Redemption 2013-07-23 17:44:08
v HAPPY TOGETHER 2013-07-17 17:27:45
v LOVE 2013-07-02 10:49:59
v SHADOWS OF LOVE 2013-06-26 18:55:26
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>