|
||||||||
|
||
Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, punong-abala sa Eidl Fitr reception kahapon
MATAGUMPAY ang Eidl Fitr reception na pinamunuan ni Kalihim Albert F. del Rosario para sa mga kawaning Muslim at ang mas malawak na Islamic community kagabi.
Idinaos ang reception sa Bulwagang Apolinario Mabini sa DFA Main Building.
Ani Kalihim del Rosario, sa pagdiriwang ng Eidl Fitr, ipinakikita ng Pilipinas ang paggalang sa Muslim heritage ng bansa. Bilang isang bahagi ng bansa na kilala sa pagsusulong ng interfaith dialogue at pagsusulong ng ibayong paguunawaan sa iba't ibang kultura at relihiyon, nakikiisa ang Pilipinas sa mga kapatid na Muslim, ayon kay Kalihim Del Rosario.
Dumalo sa pagtitipon ang mga kasapi ng Diplomatic at Consular Corps, mga kilalang Muslim community, mga retiradong Muslim ambassador, mga kasapi ng DFA Filipino Muslim association at mga kasapi ng media.
Isang malaking pagdiriwang ang Eidl Fitr na ginagawang fiesta official sa pagtatapos ng isang buwang pag-aayuno.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |