|
||||||||
|
||
Iba't ibang relihiyon, nanawagang itigil na ang pork barrel
NAGKAISA ang mga kinatawan ng pinakamalaking ecumenical group sa pananawagan na alisin na ang pork barrel na karaniwang ibinibigay sa mga mambabatas.
Sa isang statement, ang National Council of Churches in the Philippines ay nagsabing ang pork barrel ay naging bahagi ng sining ng patronage politics na naging sakit na ng political at electoral system.
Nakikiisa ang National Council of Churches in the Philippines sa panawagan ng mahihirap sa buong bansa na ituon ang pansin sa edukasyon, kalusugan, pabahay at iba pang pangangailangan ng mga mamamayan.
May limang senador at 23 mga congresista ang isinangkot na nagpapadala ng salapi sa mga palsipikadong non-government organizations sa pagpapatupad ng ghost projects.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |