|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mambabatas, humiling na siyasatin ng Kamara ang paglubog ng M/V St. Thomas Aquinas
HINILING ni Paranaque Congressman Gus Tambunting sa pamamagitan ng House Resolution 221 na magkaroon ng pagsisiyasat, upang makagawa ng batas, upang maiwasan ang mga sakuna sa karagatan tulad ng naganap sa M/V St. Thomas Aquinas noong ika-16 ng Agosto sa Talisay, Cebu.
Kailangang magkaroon ng pagbabalik-aral sa mga gawi ng mga kumpanya sa maintenance ng kanilang mga barko, pagsasanay ng mga tauhan, kaukulang accreditation at edad ng mga sasakyang-dagat.
Sinabi pa ni Congressman Tambunting na karaniwang mahihirap ang sumasakay sa mga barko na karaniwang nagiging biktima ng mga sakuna.
Magugunitang sa Pilipinas naganap ang pinakamalagim na trahedya sa karagatan sa paglubog ng M/V Dona Paz noong Disyembre 1987 na ikinasawi ng may 4,300 katao. Halos taun-taon na lamang ang mga sakunang nagaganap sa iba't ibang bahagi ng bansa, dagdag pa ng mambabatas.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |