|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Exports ng Toyota group of companies, bahagyang bumaba
BUMABA ang exports ng Totoyta sa unang bahagi ng 2013 at umabot lamang sa USD 480 milyon kung ihahambing sa exports noong unang anim na buwan ng 2012 na nagkahalaga ng USD 490 milyon.
Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, tagapagsalita ng Toyota Motor Philippines, Inc., walang dapat ikabahala sapagkat naunang naubos ang kanilang mga Vios at Corolla.
Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Gutierrez na makakabawi ang kanilang kumpanya sa pagkakaroon ng mga bagong modelo ng Vios at Corolla sa ikalawang bahagi ng taong 2013.
Umaasa silang makakarating ang buong Toyota Group exports sa halagang USD 1 bilyon sa pagtatapos ng buwan ng Disyembre.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |