Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Saint Petersburg kay Pangulong Enrique Pena Nieto ng Mexico, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na umaasa siyang ibayo pang isusulong ang estratehikong partnership ng dalawang panig sa iba't ibang larangan, lalo na sa larangan ng kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan at imprastruktura. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Mexico, para sa pagtatatag ng China-Latin America Cooperation Forum sa lalong madaling panahon at pagpapasulong din ng comprehensive partnership ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ng Pangulo ng Mexico na positibo ang kanyang bansa sa matatag na pakikipagtulungan sa Tsina. Umaasa aniya siyang palalawakin ang kooperasyong pangkalakalan ng dalawang panig, para makapasok ang mas maraming produkto at pondo mula sa Tsina sa Mexico.