Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong saksi, idiniin na naman ang tatlong senador

(GMT+08:00) 2013-09-05 21:21:11       CRI

DALAWA pang bagong saksi ang humarap sa Senado kanina at kinilala sina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile at Senador Jose "Jinggoy" Estrada at Ramon Bong Revilla, Jr. ang nag-endorse ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa mga non-government organizations na may koneksyon kay Janet Lim Napoles.

Pinangalanan ni dating National Agribusiness Corporation President Alan Javellana ang mga mambabatas na nagpadala ng kanilang mga pondo sa Social Development Program for Farmers Foundation, Inc., Magsasakang Ani para sa Magsasaka Foundation, Inc at People's Organization for Progress and Development Foundation. Ang tatlong ito'y kabilang sa walong NGOs na pakawala umano ni Napoles.

Idinagdag ni Javellana na bagama't idinaan sa NABCOR ni Senador Gregorio Honasan ang kanyang PDAF, hindi naman ito napunta sa mga NGO ni Napoles. Ipinatawag ng Senate Blue Ribbon Committee ang isang nagngangalang Rhodora Mendoza sa mungkahi ni Javellana. Kumpirmado rin ni Mendoza ang mga sinabi ni Javellana.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>