|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Sex tapes ng mga celebrity, ikinabahala ng mga pari
HINDI magandang halimbawa ang makikita ng mga kabataan sa kanilang mga hinahangaang mga artista.
Sinabi ni Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng Episcopal Commission on Youth, na hindi magandang halimbawa ang mga pangyayaring ito sapagkat nakikitang walang pinagkatandaan ang mga may kagagawan nito.
Kumalat ang sinasabing sex tape ng komedyanteng si Wally Bayola at isang mananayaw na nagngangalang Yosh sa internet. Noong nakalipas na buwan, sex tape naman ng mang-aawit na si Chito Miranda at ng kanyang katipang si Neri Naig ang kumalat sa internet.
Sa panig ni Fr. Melvin Castro ng Episcopal Commission on Family and Life, lubhang nakalulungkot at nakababahala ang mga nagaganap na ito lalo pa't hinahangaan sila ng mga kabataan.
Nanawagan ang dalawang pari sa mga artista at iba pang alagad ng sining na maging mapanuri at maging responsible sa mga gagawin sapagkat may posibilidad na isipin ng mga kabataang katanggap-tanggap pala ang maling gawain.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |