Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong saksi, idiniin na naman ang tatlong senador

(GMT+08:00) 2013-09-05 21:21:11       CRI

Delegasyon mula sa Pilipinas, dadalo sa APEC-Women and the Economy Forum sa Bali, Indonesia

ISANG delegasyong mula sa Kagawaran ng Kalakal at Industriya, Philippine Commission on Women at Women's Business Council Philippines, Inc. ang umalis na sa Maynila upang dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation-Women and the Economy Forum sa Bali, Indonesia na magmumula ngayon hanggang sa LInggo.

Ayon kay DTI Undersecretary for Management Services Nora K. Terrado, umaasa siyang magkakaroon ng mga makabagong oportunidad sa nalalapit na Women and the Economy Forum sapagkat Pilipinas ang magiging punong-abala para sa gagawing APEC Summit sa 2015.

Ito ang ikatlong pagtitipon sa ilalim ng temang "Women as Economic Drivers" na sinimulan sa San Francisco, USA noong 2011 at sa St. Petersburg sa Russia noong 2012.

Ang APEC ay isang samahan ng 21 isang mga bansang na sa baybayin ng Dagat Pasipiko at kinabibilangan ng mga bansang Australia, Brunei Darusalam, Canada, Chile, People's Republic of China, Hong Kong, China, Indonesia, Japan, Republic of Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papua New Guinea, Peru, Pilipinas, Russian Federation, Chinese Taipei, Thailand, Estados Unidos at Viet Nam.

Na sa mga bansang ito ang 44% ng pandaigdigang kalakal na nagkakahalaga ng $ 18.6 trilyon, 40% ng mga mamamayan sa daigdig, 53% ng Gross Domestic Product sa ilalim ng purchasing power parity o $ 35.8 trilyon ayon sa datos ng APEC.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>