|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Darating na sa Pilipinas si Rodelio Lanuza
MAKAKAUWI na sa Pilipinas si Rodelio "Dondon" Lanuza matapos mabilanggo ng 13 taon sa Saudi Arabia. Ito ang nabatid kay Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay.
Darating siya mula Dammam, Saudi Arabia bukas. Sa isang panayam kay G. Binay sa Regional Scouts Summit sa Leyte, sinabi niya na makakauwi na si Lanuza kahit pa nahatulan ng parusang kamatayan.
Nagpasalamat siya sa pamahalaan ng Saudi Arabia, lalo na kay King Abdullah, sa pagpapasan ng 2.3 milyong Saudi Rial bilang blood money ni Lanuza.
Bihira ang pagkakataong ito, sabi ni Pangalawang Pangulong Binay na gumastos ang kaharian para sa kalayaan ng aba.
Magugunitang nahatulan ng kamatayan si Lanuza noong 2011 dahilan sa pagpatay sa isang taga-Saudi Arabia noong 2000. Ayon kay Lanuza, pagtatanggol sa sarili ang nagbunsod sa kanyang patayin ang naging biktima. Pinagtangkaan siyang halayin ng Saudi national na napaslang.
Pinatawad siya matapos matanggap ng pamilya ng biktima ang tatlong milyong Saudi Rial na nagkakahalaga ng P 35 milyon. Nakalikom sina Lanuza at mga kaibigan ng SAR 700,000 samantalang sinagot na ng Saudi Arabia ang kakulangan.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |