|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga pari ng Balanga, nasa isang linggong Renewal
NASA isang linggong renewal ang higit sa 50 mga pari ng Diocese of Balanga (Bataan) sa San Ezekiel Moreno House sa Puerto Princesa, Palawan.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto C. Santos, bahagi ito ng kanilang taunang updating at renewal na nakatuon sa buhay pastoral ng kaparian at mga isyung kinakaharap ng kanilang nasasakupan tulad ng illegal na pangangahoy, pagmimina at pangingisda.
Sa mensahe ni Puerto Princesa Bishop Pedro Arigo, sinabi niyang sa Palawan na napakaraming likas na kayamanan ay katatagpuan ng pagpupuri sa Diyos sa mga biyayang ipinagkaloob sa lalawigan.
Para kay Bishop Santos, ang karanasan sa Palawan ay isang malaking hamon lalo na sa mga pari at mga laiko na maging mga responsableng tagapangalaga ng likas na yaman ng kapaligiran. Kailangang panatiliin itong maayos at ng pakinabangan ng mga susunod na saling-lahi.
Idinagdag pa ni Bishop Santos na mananagot ang lahat sa Diyos kung lalapastanganin ang mga nilikha.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |