|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Sapat na pondo para sa mga evacuees tiniyak
HINDI magkukulang ang salaping panustos sa mga biktima ng kaguluhan sa Zamboanga. Ayon kay Kalihim Corazon Juliano Soliman, may karagadang P 16.5 milyon ang inilabas para sa DSWD Region IX upang makabili ng relief goods.
Mula noong ika-siyam ng Setyembre, naglabas na ang DSWD Region IX ng higit sa P 25 milyon bilang augmentation assistance sa pamahalaang lungsod ng Zamboanga. Kinabibilangan ito ng packed meals, family food packs, hygience kits, plastic mats, mga kumot at gamit pangkusina.
Umabot na sa 16,533 pamilya ang apektado ng kaguluhan. Ayon sa DSWD, nangangahulugan ito ng 82,106 katao.
Mayoong 13,679 na pamilya ang naninirahan sa 30 evacuation centers sa Zamboanga City. Naroon sa Joaquin Enriquez Jr. Memorial Sports Complex ang nagmula sa San Jose at Cawa-Cawa na mayroong 9,065 na pamilya o 50,343 katao.
Sinimulan na rin nila ang play therapy para sa mga kabataan sa mga Special Day Care centers. Nabigyan na rin sila ng mga biskwit at tetra pack juices samantalang nasa center.
Patuloy na nakakatanggap ng mga donasyon ang DSWD tulad ng mula sa Shelterbox International na nagbigay ng 390 piraso ng mga tolda samantalang ang Tzu-Chi Foundation ay nagbigay ng P 1 milyon halaga ng mga pagkain at malalagyan ng tubig.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |