Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtulong sa mga nasalanta, bumibilis na

(GMT+08:00) 2013-11-20 17:44:13       CRI
MATAPOS ang 12 araw mula ng maranasan ang hagupit ni "Haiyan" na kilala sa pangalang "Yolanda" sa Pilipinas, bumilis na rin ang paghahatid ng relief goods sa mga naging biktima. Ito ang sinabi ni Baroness Valerie Amos, ang pinuno ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs sa isang press briefing kagabi.

Ani Bb. Amos, nagsisimula ng bumangon ang mga biktima sa kanilang kinasasadlakang kalagayan. Nakikita na ang mga kababaihang nagluluto ng kanilang pagkain samantalang mayroon na ring nagbibili ng kakanin samantalang may mga naglilinis ng kanilang kapaligiran.

Ilang araw pa lamang ang nakalilipas ay nagkaroon na ng pamamahagi ng pagkain at panggagamot ng mga dayuhang dalubhasa sa Tacloban. Naibalik na rin ang water service at ang telekomunikasyon. Namamahagi na rin sila ng hygiene kits.

Ibinalita ng opisyal ng United Nations na dumalaw na siya sa bayan ng Guiuan sa Eastern Samar na unang tinamaan ng bagyo noong Biyernes, ika-walo ng Nobyembre. Magtatayo ang United Nations ng kanilang coordinating hub sa Guiuan tulad rin ng kanilang inilaan sa Tacloban, Roxas, Ormoc at Cebu na susuhay sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa malawak na bahagi ng Central Philippines.

Inilunsad na ang isang malawakang relief operation sa pamamagitan international community upang matulungan ang Pamahalaan ng Pilipinas.

Idinagdag ni Bb. Amos na ipagpapatuloy ito sa susunod na linggo at ilang buwan. Naging bukas-palad ang mga bansang kabilang sa United Nations kasama na ang pribadong sektor at ang mga mamamayan. Ang pamahalaang pambansa at pamahalaang lokal na suportado ng international community ay nagsisimula nang madama ng mga mamamayan.

Naniniwala ang opisyal ng United Nations na mas maraming kinakailangang tumugon sa problema ng mga binagyo sa isang napakalaking krisis upang matulungang makabawi ang mga pamilya sa pinakamadaling panahon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Center sa kanilang ulat kaninang umaga, 4,011 na ang nasawi, 18,577 ang nasugatan samantalang may 1,692 ang nawawala.

Ibinalita rin ng United Nations na nakabalik na ang serbisyo ng telepono sa 85% ng 419 na bayan sa Eastern, Central at Western Visayas. Nakita na rin ang malubhang pinsala sa mga pagawaing bayan. Higit sa isang milyong mga tahanan ang maituturing na totally at partially damaged. May 80 hanggang 90% ng mga paaralan sa Aklan, Capiz at Iloilo ay partially at totally damaged. May 146 na lansangan ang nalinis at naayos na sa MIMAROPA, Bicol, Eastern, Central at Western Visayas regions.

Sa tinatayang gastos ng United Nations na USD 301 milyon gagamitin bilang tugon sa mga pangangailangan, mayroon nang US$D 111.8 o 37% na ang naiipon.

Dumating kahapon ang walong trak sa Lungsod ng Tacloban upang magdala ng mga kagamitan sa pagtatayo ng bahay. Sa nakalipas na ilang araw, 7,500 mga kumot, 6,000 mga yero, anim na chainsaw, 5,000 tool kits, 1,300 kawayang framing kits, 2,580 family emergency shelter kits at 4,500 sakoline sheets ang nadala sa Tacloban City.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>