|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pamahalaang Hapones, tuloy sa pagtulong sa mga nasalanta
MULA noong nakalipas na Linggo hanggang kahapon ay nagkaroon ng simpleng turn-over rites sa Tacloban, Ormoc, San Isidro, Palo, Tanauan sa Lalawigan ng Leyte at sa mga bayan ng Guiuan at Basey sa Samar.
Ang ayudang nagkakahalaga ng may 60 milyon yen o USD 607,000, ay nakalaang makatulong sa mga biktima ng kalamidad. Mayroong 500 tents, 620 rolyo ng tarpaulin na pangbubong, 2,000 sleeping pads, 20 generators, 20 water purifier at 70,000 bote ng tubig ang kanilang naiambag sa relief efforts.

IPINAGKALOOB NG PAMAHALAANG HAPONES, NAKARATING NA SA PAMAHALAAN. Simpleng turn-over ceremonies lamang ito sa Tacloban City na kinatampukan ng kinatawan ng pamahalaang Hapones at ni Kalihim Corazon Juliano Soliman ng DSWD. Malaki-laki rin ang nai-ambag ng mga Hapon sa trahedyang dulot ni "Yolanda." (Japanese Embassy Photo)
Ayon sa pahayag na nagmula sa kanilang embahada sa Maynila, dahilan sa tindi ng pinsalang tinamo ng mga mamamayan, magpapatuloy ang Pamahalaang Hapones sa pagpapadala ng tulong sa mga nangangailangan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |