|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Murang pabahay, itinatayo na sa tulong ng Catholic Relief Services
MATAPOS ang siyam na araw ng masira ang mga tahanan ng mga taga- Central Philippines, nagtatayo na ng kanilang mga tahanan ang mga biktima ni "Yolanda" sa Ormoc City.
Ayon kay Seki Hirano ng Catholic Relief Services, simpleng tahanan lamang ang pansamantalang maitatayo para sa mga biktima ng bagyo. Ang mga tahanang ito ay nagkakahalaga lamang ng P 2,000 sapagkat gagamitin ang alinmang kahoy na mula sa tahanang nasira at lalagyan ng trapal na magsisilbing bubong para sa pamilyang nawalan ng tahanan. Si G. Hirano ay isang Japanese national na kawani ng CRS.
Ayon kay Arcadio Arnaldo ng Catholic Relief Services, ang Ormoc City ang pansamantalang tinitirhan ng mga biktima ni "Yolanda" sa Lalawigan ng Leyte. Maraming tao ang nagtutungo sa Ormoc City sapagkat doon lamang sila nakabibili ng gasolina, tinapay at iba pang pagkain. Kahit walang kuryente ay mayroon namang tubig na mapakikinabangan.
Unti-unting makakabawi ang Ormoc kahit pa napinsala ng malubha dahilan sa lakas ng hangin. Maraming poste ang natumba at mga tahanang gawa sa light materials ay tuluyan nang nasira.
Tumutulong din ang mga Simbahan at iba pang mga samahan, dagdag pa ni G. Arnaldo.
Ayon kay Martha Skettenberg, secretary general ng Caritas Norway, nakikita niya ang lawak ng pinsala sa Ormoc at mga kalapit pook. Hindi umano magiging madali ang pagbangon ng mga nasalanta sapagkat ito na ang pinakamalaking trahedyang kanyang nakita.
Matagal na ang pakikipagtalastasan ng Norway sa Pilipinas sapagkat ang kanilang pamahalaan ay abala na sa pagtulong sa peace process sa Pilipinas. Sila ang namamagitan sa Pamahalaan ng Pilipinas at National Democratic Front. Mayroon din silang pagsasanay sa Karapatang Pangtao para sa mga guro ng Pilipinas.
Ngayon ay handa silang tumulong at sa pinakahuling pagkakataon ay magbabahagi ang kanilang bansa ng 40 milyong Krone o P 286 milyon.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |