Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Apektado ni "Yolanda" nabawasan na

(GMT+08:00) 2013-11-22 19:35:49       CRI

BUMABABA na ang bilang ng mga taong apektado ni "Yolanda" ayon sa pagsusuri ng pamahalaan at ng United Nations. Umabot na ang bilang sa 4.33 milyon ang itinuturing na "displaced persons." Kung umabot sa 5,040 ang evacuation centers noong nakalipas na linggo, may 1,546 na lamang ang bukas sapagkat mayroong 3.9 milyong katao ang naninirahan sa labas ng mga evacuation centers at maaaring nakalipat na sa Cebu at Metro Manila.

Nagsimula ng bumuhos ang shelter at non-food items sa TAcloban City samantalang hirap ang mga lumber at hardware na matugunan ang pangangailangan para sa housing materials. Tiniyak ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs na 16,000 pamilya ang nakatakdang tumanggap ng crop at horticulture production packages na napapanahon sa pagtatanim ngayon. Mahalagang tulungan ang mga magsasaki bago matapos ang panahon ng taniman sa buwan ng Enero. Prayoridad pa rin nila ang pagtulong sa mga mangingisda.

Nagagamit na ang mobile phones sa mga lalawigan ng Hilaga at Silangang Samar at Leyte.

Samantala, naglunsad ang World Health Organization at Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas ng vaccination campaign upang maiwasan ang pagkakaroon ng tigdas at polio sa mga nakaligtas sa bagyong "Haiyan."

Ayon kay Dr. Julie Hall, ang kinatawan ng WHO sa Pilipinas, maraming mga bata ang wala o kulang sa bakuna ang namimiligrong magkaroon ng mga sakit na ito sa mataong mga pook. Idinagdag pa niyang maaaring makamatay ang tigdas o measles sa mga bata.

Target nila ang mga bata sa pinakamatinding tinamaan ng bagyo sa mga evacuation ceter at sa mga receiving center sa Cebu na pansamantalang pinagkanlungan ng mga biktima. Ang mga batang wala pa sa edad na limang taon ang binabakunahan laban sa polio at measles at binibigyan ng Vitamin A drops upang mapalakas ang kanilang immune systems.

Niliwanag ni Kalihim Enrique Ona na inilunsad muli ang pagbabakuna sa panahong kailangan ito.

May 20 volunteer nurses ang ikakalat sa Tacloban City upang tulungan ang mga tauhan ng City Health Office sa pagbabakuna.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>