Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pinsala ni "Yolanda" umabot na sa P 24.54 bilyon

(GMT+08:00) 2013-11-26 18:19:56       CRI

Pinsala ni "Yolanda" umabot na sa P 24.54 bilyon

IBINALITA ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na umabot na asa P 24.54 bilyon ang pinsalang idinulot ni "Yolanda" sa mga ari-arian ng mga mamamayan at pagawaing-bayan.

Ayon sa ahensya, ang pinsalang idinulot ng bagyo sa pagsasaka ay P 11.36 bilyon kabilang na ang pinsalang P 5.168 bilyon sa mga pananim at P 2.184 bilyon sa hayupan. Mayroon ding P 13.182 bilyong pinsala sa mga pagawaing-bayan.

Tinatayang mayroon nang P 528 milyon ang nailabas na ayuda ng pamahalaan sa mga apektadong pamilya.

Ang NDRRMC ay nagsabing mayroong P 401.9 milyon ang nailabas na tulong ng Department of Social Welfare and Development, at ang mga pamahalaang lokal ay P 43.7 milyon samantalang ang Kagawaran ng Kalusugan ay nakapaglabas nan g P 32.9 milyon samantalang gumastos na ang mga non-government organizations ng P 49.4 milyon.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>