Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Taon ng kabayo, ano ang dala nito

(GMT+08:00) 2014-01-22 17:33:11       CRI

 

 

Chinese Zodiac

Mga pengyou, sa susunod na linggo, sa ika-30 ay ipagdiriwang ng mga Tsino ang Spring Festival at papasok ang taon ng kabayo. Para sa mga Tsino, ito ang pinakamahalagang kapistahan sa kanilang buhay at panahon din ng pagsasama-sama ng lahat ng miyembro ng pamilya; at siyempre, pagbibigayan ng "hong bao" o pulang embelop at ibat-ibang klase ng regalo. Malayo o malapit, kailangang umuwi ang lahat sa kanilang probinsya upang dalawin ang kanilang mga mahal sa buhay. Kung ikukumpara natin sa Pilipinas, ito ay parang kumbinasyon ng Pasko't Bagong Taon.

At dahil ang Spring Festival ay ang bagong taon ng mga Tsino, hindi mawawala ang mga paputok. Ang buong kalangitan ng Beijing ay magmimistulang parang sinabuyan ng ibat-ibang kulay dahil sa mga paputok. Naniniwala kasi ang mga Tsino na ang paputok ay pantaboy ng malas, kaya naman bongga ang selebrasyon ng Spring Festival.

Ang mga Tsino ay mayroon ding mga zodiac signs. Tulad din nating mga Pilipino, marami ring mga Tsino ang tumitingin at naniniwala sa suwerte. At iyan po ang aming ihahain sa inyo ngayong gabi.

Ang Chinese zodiac ay may 12 hayop. Ang mga ito ay: Horse, Sheep, Monkey, Rooster, Dog, Pig, Rat, Ox, Tiger, Rabbit, Dragon, at Snake. Bawat isa sa mga hayop na ito ay may kanya-kanyang katangian. At dahil papasok ang "taon ng kabayo," mag-uumpisa tayo sa horse year.

Ang mga taon sa ilalim ng taon ng kabayo ay (1942, 1954, 1966, 1978, 1990, at 2002).

WORK: Magkakaroon ng mas malakas na effort ang mga ipinanganak sa year of the horse ngayong taon, at ito ay makakabuti sa kanilang trabaho. Pero, halos lahat ng trabahong kanilang gagawin ay gagawin nila ng mag-isa. Ang mga interpersonal na relasyon ay masusubok; at may mga taong susubuking magkalat ng tsismis tungkol sa inyo. Kaya, gawin ang lahat ng makakaya upang maging mapagkaibigan. Dapat ding magbigay ng espesyal na atensyon sa pinansya para hindi magkaroon ng unexpected losses.

HEALTH: Maaring magkaroon ng colds at lung inflammation. Posible ring magkaroon ng aksidente, kaya dapat, magdagdag ingat.

LOVE: Magiging maayos ang takbo ng inyong relasyon sa taong ito. Sa mga mag-asawa, magiging smooth-sailing din ang inyong buhay at lalo pang titibay ang inyong samahan.

MAKE FRIENDS WITH: Sheep, Pigs, Dogs

BE WARY OF: Horses, Rats

Sheep (1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003)

Ito ang inyong lucky year, dahil magkakaroon kayo ng magandang kapalaran at tagumpay. Eka nga nila, "the more effort you put in, the more success you will achieve." Pero, dahil dito, magkakaroon ka ng tendency na magmataas. Ito ay maaring maging negatibo sa iyong trabaho at personal relationships. So, ingat lang po.

WORK: Magkakaroon kayo ng oportunidad na makipag-collaborate sa iba. So, kailangang siguraduhin ang bawat prospective partner. Sa taong ito, mapapalapit ka sa ideological aspect ng iyong trabaho, tulad ng research, lecture, pagtuturo at pag-aaral. Ang mga ito ay maaring mapagbigay ng karangalan sa iyo.

HEALTH: Magiging maayos ang iyong kalusugan ngayong taon, pero, kailangang mag-ingat sa mga sakit na gaya ng sakit ng ulo, sakit ng ngipin, at sakit ng tiyan. Siguraduhing malinis ang inyong kinakain at panatilihing malusog ang iyong kaugalian sa pagkain.

LOVE: Mainam ang taong ito para maghanap ng bagong love interest. Para sa mga single, magkakaroon kayo ng oportunidad na makakilala ng bagong magpapatibok ng inyong puso. Pero, magkakaroon din ng ibang mga problema sa love, so relaks lang at lilipas lang din ang mga frustration.

MAKE FRIENDS WITH: Horses, Pigs, Rabbits

BE WARY OF: Oxen

Monkey (1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004)

Ang 2014 ay magiging mabilis para sa inyo. Magkakaroon kayo ng mataas na enerhiya sa lahat ng bagay at magiging bukas din sa lahat ng oportunidad. Ang taong ito ay puno ng tsansa para sa pag-unlad, pero, huwag kalimutang magrelaks, spend time with family at ingatan ang kalusugan.

WORK: Magkakaroon ng ekstra pressure sa trabaho at may posibilidad ding ikaw ay ma-promote sa trabaho. Kaya, siguraduhing gamitin ng wasto ang iyong abilidad sa pamumuno. Panatilihing maayos ang relasyon sa iyong mga boss at kasamahan. Ito rin ay makakatulong sa iyong pag-angat.

HEALTH: Dahil sa work pressure, posibleng magkaroon ng sakit sa ulo at insomnia. Importanteng magrelaks; ang meditation at masahe ay makakatulong din. Bukod pa rin, maari ka ring ma-injure sa mga matatalas na bagay ngayong taon, kaya, mag-doble ingat.

LOVE: Ang iyong relationship ay magiging stable, pero, kailangan mong siguraduhing may panahon ka pa rin sa pamilya kahit busy. Para sa mga babaeng single, maari kayong magkaroon ng pagkakataon na magpakasal, pero, mayroon ding maliliit na conflict. Panatilihing malamig ang ulo at magkaroon ng bukas na pag-iisip. Lilipas din ang mga di-pagkakaunawaan.

MAKE FRIENDS WITH: Rats, Dragons

BE WARY OF: Tigers

Rooster (1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005)

Maaring magkaroon ng mabigat na pasanin ngayong taon, pero, magkakaroon pa rin ng progreso sa pamamagitan ng tiyaga. Maging kalmado.

WORK: Masuwerte ka sa trabaho ngayong taon at maari kang magkaroon ng promotion. Magkakaroon ng mga pagsubok, pero ang mga ito ang magtutulak sa iyo para magtagumpay. Dapat magkaroon ng positibong atityud.

HEALTH: Pag-ingatan ang kalusugan sa gitna ng busy schedule. Para hindi mahilo, mas maganda ang madalas at marahang ehersisyo.

LOVE: Dahil busy ka ngayong taon, maari mong mapabayaan ang iyong partner. Importante ang trabaho, pero, siguraduhing mayroon pa ring time sa inyong pamilya at lovelife. Para naman sa mga single, maganda ang taong ito para magpakasal. Kailangan ding mag-ingat dahil posibleng magkaroon ng 3rd party na maaring sumira sa inyong pagsasama. MAKE FRIENDS WITH: Snake, Oxen

BE WARY OF: Rabbits

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>