Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Taon ng kabayo, ano ang dala nito

(GMT+08:00) 2014-01-22 17:33:11       CRI

Tiger (1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010)

Masuwerte ang taong ito. Mainam kung ikaw ay gagawa ng mga ambitious project, tulad ng pagtatayo ng bagong business. Makakahanap ka ng mga balakid, pero kung ikaw ay mananatiling kalmado, ikaw ay magtatagumpay.

WORK: Ang taong ito ay mainam na taon sa paglinang ng iyong talent at kaalaman, kaya ang pag-aaral ay importante. Pumili ng isang interesanteng larangan para pag-aralan, ito ay makakatulong sa pagbubukas ng mga oportunidad.

HEALTH: Ang iyong kalusugan ay mabuti ngayong taon, pero, mag-ingat sa iyong mga kinakain. Alagaan ang mga nakakatandang mahal sa buhay.

LOVE: Mainam ngayong magpakasal, pero, mag-ingat sa third party. Ang mga ipinanganak sa taon ng tigre ay irritable at madaling mainis, lalo na sa asawa, bf, at gf, kaya makakatulong ang pagiging kalmado at spiritual cultivation.

MAKE FRIENDS WITH: Horses, Dogs, Pigs

BE WARY OF: Monkeys

Rabbit (1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999)

Ayon sa isang kasabihang Tsino, "When Horse meets Rabbit, joy is forthcoming." Kaya, masuwerte ang mga ipinanganak sa taon ng kuneho.

WORK: Magandang taon ito para sa inobasyon, kaya subuking gumawa ng mga bagay kung saan ka interesado. Ang iyong pagkamalikhain ang magiging susi ng iyong promosyon sa trabaho. Mainam na taon din ito sa pagtatayo ng sariling negosyo, pero, huwag maging padalus-dalos at piliing mabuti ang mga prospective na business partner.

HEALTH: Mag-ingat sa mga aksidente sa kalsada at pag-inom ng alak. Kumain ng tama.

LOVE: Ang taong ito ay busy para sa iyo, kaya huwag kalimutang bigyang-atensyon ang feelings ng iyong significant other. Para sa mga babaeng rabbit, hindi ito magandang taon para sa love, maari ring magkaroon ng mga break-up.

MAKE FRIENDS WITH: Rabbits, Sheep

BE WARY OF: Roosters

Dragon (1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000)

Ang taong ito ay year of thought para sa inyo. Mainam ang taong ito para sa pagbabasa, pagsusulat, at pag-aaral. Matiwasay ang taong para sa iyo, pero, kung ikaw ay padalus-dalos, magkakaroon ka ng mga di-inaasahang problema.

WORK: Makakatanggap ka ng tulong sa iyong boss at magbubukas din ang maraming oportunidad para sa iyo. Maari kang ma-promote ngayong taon, pero, hindi masyadong tataas ang iyong suweldo. HEALTH:

Ingatan ang kalusugan, dahil maari kang magkaroon ng insomnia. Subukan ang meditation.

LOVE: Smooth-sailing ang taong ito para sa mga dragon, pero, mayroon ding mga maliliit na problema. Manatiling matapat sa iyong kabiyak o partner. MAKE FRIENDS WITH: Monkeys, Rats

BE WARY OF: Dogs, Dragons

Snake (1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013)

Magkakaroon ng magandang kapalaran ang mga ipinanganak sa taon ng ahas. Magkakaroon ng magandang oportunidad para kumita ng pera at umunlad ang negosyo.

WORK: Kakatok ang oportunidad sa pagpapalit ng trabaho at pagsisimula ng sariling negosyo. Malakas ang iyong career momentum sa taong ito, pero, ang mga bagong oportunidad na ito ay maaring hindi umabot sa iyong ekspektasyon. Mag-ingat sa pagtanggap ng bagong trabaho. Magkakaroon ka rin ng mga di-inaasahang gastos, kaya, mag-ipon ng maigi. Mag-ingat sa pagpapahiram ng pera sa mga kaibigan.

HEALTH: Maari kang magkaroon ng sakit sa puso, kaya, mainam ang pag-eehersisyo araw-araw. Kumai nang tama.

LOVE: Para sa mga single, mukhang hindi ninyo mahahanap si Mr. at Ms. Right ngayong taon. Pero, mayroong taong interesadong makipag-date sa iyo, ngunit hindi magtatagal ang relasyon ninyo. Para naman sa mga may-asawa, magbigay ng maraming oras sa pamilya. MAKE FRIENDS WITH: Roosters, Oxen

BE WARY OF: Pigs, Monkeys

 


1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>