Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Taon ng kabayo, ano ang dala nito

(GMT+08:00) 2014-01-22 17:33:11       CRI

Dog (1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006)

Ang mga ipinanganak sa taon ng aso ay magkakaroon ng magandang kapalaran ngayong taon. Ang inyong relasyon sa mga kaibigan at kasamahan sa trabaho ay maganda rin sa taong ito.

WORK: Masuwerte ang taong ito sa pagpasa ng eksaminasyon at pagkuha ng sertipikasyon. Magkakaroon ka ng tulong mula sa isang mentor o boss, kaya naman makakakuha ka ng magandang oportunidad. Tungkol naman sa pera, walang masyadong sorpresa sa taong ito. Huwag mag-expect ng sobra para hindi ma-dissappoint.

HEALTH: Hindi magkakaroon ng malaking isyu sa inyong kalusugan. Lumayo sa kidlat at mag-ingat sa mga aksidente sa tubig. Kung makakaramdam ng kahit anong sakit, mas mainam kung kokonsulta agad sa isang doctor.

LOVE: Magkakaroon ng oportunidad sa romansa, kaya makakabuti kung sasali sa mga social activities. Hindi rin masamang ideya ang isang blind date na inorganisa ng inyong mga kaibigan o kamag-anak. Sa mga matagal nang magkasintahan, masuwerte ang taong ito sa pagpapakasal.

MAKE FRIENDS WITH: Horses, Tigers

BE WARY OF: Dragons

Pig (1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007)

Maganda ang iyong kapalaran sa taong ito. Kahit may maliliit na problema, ang suwerte ay mapupunta pa rin sa iyo. Kung may tiyaga, may nilaga.

WORK: Magkakaroon ng maraming oportunidad sa pagganda ng inyong career, pero, hindi ito magiging madali. Magtrabaho ng seryoso at makukuha mo ang benepisyo.

HEALTH: Magkakaroon ng pain at distress, kaya dapat ay magdoble ingat. Iwasan ang mga lugar na maraming tao at uminom ng bitamina araw-araw.

LOVE: Para sa mga lalaki, tandaang people come and go; iyong mga gusto ninyo ay puwedeng hindi maging magandang match para sa inyo. Maging matapat sa inyong partner at iwasan ang tukso mula sa third party.

MAKE FRIENDS WITH: Rabbits, Sheep

BE WARY OF: Snakes

Rat (1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008)

Ito ay magiging taon ng pagbabago, pero, hindi naman nangangahulugan na masama ito para sa iyo. Ang 2014 maaring magdulot ng relocation, job transition, marriage o break-up. Ingatan ang kalusugan ng iyong mga magulang.

WORK: Magiging abala ka sa iyong trabaho ngayong taon. Magkakaroon ka rin ng pagkakataong bumiyahe, pero, hindi nangangahulugang maganda ito para sa iyo. Mayroon ding pagkakataon na magpalit ng trabaho, kaya, kailangang pag-isipang mabuti ang iyong bawat hakbang. Magkakaroon din ng oportunidad na kumita sa isang mag-side business. Tandaan lamang, making moderate money is the best strategy.

HEALTH: Mag-ingat kung kayo ay nagmamaneho o nasa kalsada. Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang sakit sa bato.

LOVE: Para sa mga lalake, maganda ang taong ito para ma-inlove. Para naman sa mga single, maging assertive sa paghahanap ng love interests, upang mahuli ninyo ang kanyang atensyon.

MAKE FRIENDS WITH: Oxen, Monkeys

BE WARY OF: Horses, Rats

Ox (1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009)

Hindi masyadong masuwerte ang taong ito para sa iyo.

WORK: Maaring lumampas sa iyong mga kamay ang magandang oportunidad at magkakaroon din ng mga pagsubok. Mag-ingat sa mga taong gustong sumabotahe sa iyong trabaho.

HEALTH: Magiging maganda ang kalusugan ngayong taon. Huwag masyadong magpagod. Ugaliing mag-ehersisyo.

LOVE: Ito ay "peach blossom year," ibig sabihin masuwerte ka sa opposite sex. Kung ikaw ay single, pagtuunan ng pansin ang iyong matalik na kaibigan at sumali sa mga social activity. Dito mo maaring mahanap ang iyong romantic partner. Those who are married should be gentler to their other half to promote family harmony.

MAKE FRIENDS WITH: Oxen, Snakes, Roosters

BE WARY OF: Sheep

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>