Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Angel Warriors

(GMT+08:00) 2014-02-10 16:40:18       CRI

Madalang na tampok sa Pelikulang Tsino Nood Tayo ang mga action films na pinagbibidahan ng mga kababaihan.

Madalas kalalakihan ang bida sa mga action films ng napag-usapan halimbawa mga movies ni Jackie Chan at Andy Lau.

Ang Angel Warriors ay pelikulang ipinalabas noong November 2013 sa mainland. Pangunahing actors nito sina Yu Nan na taga mainland China at Taiwan actor na si Collin Chou.

Moviebuddies si Collin Chou ay kilala sa kanyang portrayal ng role na Seraph sa pelikulang "The Matrix Reloaded" at "The Matrix Revolutions."

Sa Beijing premiere ng pelikulang Angel Warriors, sinabi niya ang mga dahilan kung bakit tinanggap niya ang papel na Wang Laoying. Ayon sa aktor, "Nang makilala ko sa kauna-unahang pagkakataon ang direktor na si Fu Huyang, ikunuwento nya sa akin ang story gn Angel Warriors. Napaka-passionate nya. Naramdaman ko talaga. Naramdaman ko rin na talagang gusto niyang gumawa ng pelikula tungkol sa mga kababaihan na naglalakbay sa mga kagubatan, yung ganitong mga kwento tapos magiging hero sila sa bandang huli. Sa pelikula ang role ko Chinese Rambo. Kaya na excite ako kaya nagdisisyon akong sumama sa cast ng pelikula."

Chinese Rambo nga talaga ang role nya as Wang Laoying dahil dati itong UN Volunteer na sumabak sa war zones at nagligtas sa maraming mga buhay. I think Ate Mac, magaling talaga si Collin Chou. Isa sya sa nagdala sa pelikula at magugustuhan ng mga machong manonood. Di masalita, pero pagdating sa bakbakan lalabas ang tunay na bangis.

Nakakatuwa ang eksena kung saan nagpalit sya ng "look." Mula sa shabby drunken master look, sa kalagitnaan ng pelikula nagtransform na sya para sa "brave soldier look" na walang takot na makikipag gyera sa mga hoodlums sa gubat.

Si Yu Nan ang gumanap sa papel na Bai Xue sa pelikula. 1999 nagsimula ang career ni Yu Nan sa Chinese entertainment industry. Kabilang sya sa mga international stars na matagumpay sa pagbreakthrough sa overseas film industry.

Magaling sya sa maraming languages, fluent sya sa Mandarin, French at English. Napasama sa mga international productions tulad ng French film na Furer, Canadian-Chinese film na Diamond Dogs, Taiwan film na My DNA Says I Love You, Hollywood film na Speed Races at ang The Expandables 2.

Hanep naman pala ang filmography nitong is Yu Nan. Pero impressed ako sa performance nya sa pelikulang Deadly Delicious. Psycho ang papel nya at dahan dahan nyang nilason ang babaero nyang asawa. Malawak ang range ng acting skills ni Yu Nan. At sa panahon ng filming ng Angel Warriors, pwedeng sabihing ang career nya ay nasa processo ng pagpapalit ng image at pagtanggap ng mga siryoso at action heroine roles.

Kapani-paniwala sya bilang Bai Xue, isang extreme-sport enthusiast, pero kulang pa ang skills pagdating sa mga action sequences. Malamya sya martial arts kaya sana sa susunod na mga pelikula magiging reincarnation na sya ni Cynthia Rothrock. Kasama ni Bai Xue ang pinsan niyang si Dingdang (Wang Qiuzi), na on-line entrepreneur. Ang ibang characters sa Angel Warriors ay sina Ta (Mavis Pan) isang wild animal protectionist, si Yanyan (Patricia Hu) isang dancer and martial artist at panglima si Tongtong (Wu Jingyi) archaeologist at linguist.

Sa totoo lang yung look at feel at maging ang kwento ay di nalalayo sa mga action films na Pinoy. Sa umpisa aakalain ng manonood na magiging "current" ang action sequences na lalampasan ang Matrix series. Yun pala sa simula lang ang comics like inserts sa umpisa para ipakilala ang mga bida at mag flashback sa relasyon ni Bai Xue at ni Wang Laoying. Kaya nakakahinayang kasi napaka 90s ng feel ng pelikula.

Pero ang ganitong mga pelikula ay may appeal sa mga masang manonood lalo na sa mga kalalakihan. Hindi malaki ang expectations ko sa pelikula. At hindi naman boring bagamat predictable sya at alam kong may mga mamamatay sa main characters para sa kurot sa pusong elemento ng movie.

Si Bai Xue

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
mac
v POLICE STORY 2013 2014-01-21 18:06:55
v L for Love, L for Lies 2013-12-18 19:46:07
v Detective Dee II 2013-12-04 15:26:11
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>