Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

COLOR ME LOVE

(GMT+08:00) 2014-03-31 11:05:17       CRI

Si Wang Fei, papel ay isang masayahin at napakabibo na country girl na bagong dating sa Beijing. Salamat sa powers ng kanyang tita, nakapasok siya sa isang prestigious lifestyle magazine, kung saan si Zoe, papel ni Joan Chen ang mataray na editor-in-chief.

Intern si Wang Fei at ang na-asign siya kay Polly, papel ni Monica Mok. Sa isang project nakilala nila si Yi Hong papel ni Liu Ye. Si Yi Hong ay isang temperamental artist.

So bilang tension sa pelikula, sa simula hate ni Wang Fei si Yi Hong. Paglaon nagkasundo rin sila.Na in love. Nag break at syempre nagkabalikan sa bandang huli. Ano ang binantayan ng mga manonood sa pelikula? Yung journey ng kanilang relationship. Paano nila nilagpasan yung mga emotional baggage mula sa failed past relationships. Kasi pareho silang iniwan ng kanilang mga ex para i-purse ang kani-kanilang mga dreams.

Si Wang Fei ay iniwan ng boyfriend at pumunta sa America. Samantala si Yi Hong naman, nag break sila ng girlfriend kasi gusto nitong unahin ang pag-aartista.

May isa pang premise sa pelikula yung pagkakaroon ng artistic pursuits at yung pagkakaroon ng love of your life ay di pwedeng pagsabayin. Ayo sa mga Movie Buddies sang-ayon sila dito kung atleta ang mga karakter. Dahil ang mga atleta ay may mahigpit na routine, may sinusunod na schedule at kontroladong lifestyle. Pero kung artist mas malaya. At ang downside lang ay kung sobra ang emotional investment nito sa kanyang love life na makasisira na sa kanyang artistic endeavors.

Swak si Yao Chen sa role niya bilang tipikal na rom-com Cinderella. Samantalasi Liu Ye naman ay convincing bilang tortured artist at bad boy. Si Joan Chen naman kabaligtaran ng role ni Meryl Streep sa Devil Wears Prada kasi siya naman ang Versace wearing fairy God mother ni Wang Fei.

Maraming mga cameo sa pelikula ng mga sikat na fashion editors sa pelikula pero ang pinaka notable dito ang cameo ng artist na si Yue Minjun. Sa isang interview ibinahagi ni Alexi Tan, director ng Color Me Love na nagkakilala sila niYue Minjun sa isang party. At gusto niyang mas ilapit ang mga audiences sa contemporary art. Kaya isinama ni Alexi Tan ang maraming mga images sa pelikula na medaling matandaan ng mga viewers.

Trivia. Si Yue Minjun ay isang napakasikat na artist at ang kanyang obra na "Gweong-Gweong," isang painting nanilikha nya noong 1993, ay naging headline dahil naibenta ito sa Christie's Hong Kong auction noong 2008 sa halagang 54,087,500 Hong Kong dollars (US$6.9 million). Tungkol ito sa mga fighter jets na lumipad sa Tiananmen Square na may mga sandosenang imahe ni Yue.

So mga manonood, pagnapanood ninyo ang Color Me Love, abangan ninyo sa bandang dulo ng pelikula. Sa art gallery bago ang huling eksena ng ating lovers, huminto saglit si Wang Fei sa mga painting ng mga mukhang nakatawa tapos may ipinakitang lalaki na kalbo at naglalakad. Yun si Yue Minjun.

May isa pang trivia, sa office ni Zoe, may isang portrait dito si Yue Minjun na naka display. Ayon kay Yue Minjun, araw-araw dinadala niya sa set at inuuwi nya ito dahil walang staff na gustong umako sa napakabigat na responsibilidad na ito. Bakit? Dahil ang portrait ay malamang mas mahal pa kesa buong budget ng pelikulang Color Me Love na umabot lang sa 12 million Chinese yuan (about US$1.8 million).

Si Alexi Tan ay isang kilalang commercial at music video director. Kaya di nakapagtataka na ang Color Me Love ay may mahusay na art direction. Kapansinpansin ang napakametikulosong interior sa opisina ng magazine.

Ang mga damit, muwebles, mga dekorasyon pati na ang art studio ni Yi Hong at ang dance studio ni Fei ay mga lugar na pinagbuhusan talaga ng atensyon para mag mukhang totoo.

Pero pagdating sa story may ilang bahagi na parangt umatalon o kaya ay nakakabitin. Oo logically cohesive at nasusundan ang narrative o yung daloy ng istorya.Pero parang nagkulang ito sa pagbuhos ng damdamin ng mga karakter sa pelikula o yung emotional continuity.

Hinahanap ko yung kurot sa puso ng mga romance films. Gusto ko kasi na madala ang emosyon ko gaya ng story ng My Amnesia Girl na napanood kamakailan dito sa Beijing. Kapag nakakatawa talagang todo tawa. At pag nakakaiyak todo iyak naman ako. Ito yung kulang sa Color Me Love.

Ang Color Me Love visually ay talagang walang kapintasan. Pati ang musical score ay akmang akma sa bawat eksena. Maganda kung sa maganda pero kung mas malalim nasusuriin kailangan pang pagtuunan ni Alexi Tan ang kwento ng kanyang romantic film. Alam ng mga manonood na ito ay magiging happy ending dahil predictable na ang istorya nya pero sana pinagbuhusan nya pa ng mas maraming atensyon ang makulay na mundo ng dalawang taong na di napigilang magmahal ulit.

Si Yao Chen

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
mac
v Love Speaks 2014-03-13 17:51:24
v Beijing Love Story 2014-03-10 11:09:10
v Timeless Love 2014-02-17 18:56:00
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>