Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Love Speaks

(GMT+08:00) 2014-03-13 17:51:24       CRI

Isang rom-com ang Love Speaks.

Bida dito sina Jaycee Chan sa papel an Zhou Tong, Amber Kuo bilang Wang Yue Ching at Archie Kao bilang Shao Dong. Kasama sa supporting cast sina Guo Wandong at Yu Shasha

At ang director ng pelikula ay si Li Zhi. Ito ay kwento ni Wang Yue Ching (Amber Kuo) ng isang career woman na may boyfriend na businessman si Shao Dong (Archie Kao). Mayaman, gwapo, galante mag regalo. Kung sa checklist ng mga babae, 10 points ang score.

Si Wang Yue Ching ay dreamgirl din ng mga lalaki. Maganda, elegante, may magandang trabaho. Perfect match kay Shao Dong. Si Zhou Tong (Jaycee Chan) naman ay simpleng tao lang, struggling photographer, walang love life kasi wala pa siyang ipagmamalaki.

So ano ang conflict? Ang conflict ay ang social pressure o pressure ng pamilya sa mga anak na lumagay na sa tahimik. Walang hysteria ang pelikula. Walang madramang hiwalayan. Walang suntukan ng ex bf at current bf. Walang masyadong kilig moment. Pero ang gaan at masaya ang feeling ko after watching this film. Napanood ko ang pelikula matapos ang isang very very hectic work day. Sobrang pagod ng utak ko at gusto ko lang talaga mag relax. Kaya na appreciate ko yung movie. First time ko rin mapanood ang mga artista sa Love Speaks kaya curious ako sa kanila. May mga scenes na nagpapakita ng rural life, kultura, at simpleng buhay ng mga Tsino sa nayon. Ito ang source ng katatawanan sa pelikula.

Pakinggan ang talakayan ng mga movie buddies na sina Mac at Andrea sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.

Si Guo Caijie

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
love
v Beijing Love Story 2014-03-10 11:09:10
v Timeless Love 2014-02-17 18:56:00
v UP IN THE WIND 2014-01-29 12:57:51
v L for Love, L for Lies 2013-12-18 19:51:09
v A Wedding Invitation 2013-12-11 16:53:23
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>