Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos, dapat talakayin ng Senado

(GMT+08:00) 2014-05-12 18:40:51       CRI

Kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos, dapat talakayin ng Senado

BALIKTAD ANG NAGANAP SA EDCA. Ito ang binigyang halaga ni Retired Commodore Rex Robles (gitna) sa Enhanced Defense Cooperation Agreement. Nararapat umanong pag-usapan muna ng dalawang pangulo ng bansa ang rason kung bakit kailangan ang kasunduan bago magkaroon ng detalyes. Dumalo rin sa pulong sina dating Senate President Aquilino Q. Pimentel, Jr. (pangalawa mula sa kaliwa) na nagsabing dapat dumaan sa Senado ang kasunduan upang mawala ang pangamba na panig lamang sa Amerikano ang dokumentong nilagdaan. Naroon din si dating Congressman Willie Villarama at mang-aawit at kompositor na si Jograd dela Torre. (Raymond Bandril)

MGA AWITING NANANAWAGAN NG PAGBABAGO. Ito ang mga kathang awitin ni Jograd dela Torre, isa sa mga manunulat at kompositor ng mga awitin ngayon. Anu Jograd, mahalaga ang papel ngh kultura sa pag-iisip ng mga mamamayan. (Raymond Bandril)

MARAPAT lamang na dumaan sa Senado ng Pilipinas ang pinakahuling kasunduang nilagdaan nina Defense Secretary Voltaire Gazmin at US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg hinggil sa pagkakaroon ng access ng mga kawal Amerikano sa mga base-militar ng Pilipinas.

Ito ang pananaw nina dating Senate President Aquilino "Nene" Pimentel, Jr. at retired Commodore Rex Roblex, isa sa nagtatag ng Reform the Armed Forces Movement na namuno sa pagpapabagsak kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos noong dekada otsenta.

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ng dating mambabatas na kung matatalakay ang kasunduan sa Senado, mapapawi ang mga pagdududa ng iba't ibang sektor na pabor lamang sa Estados Unidos ang kasunudan.

Sa panig ni Commodore Rex Robles, ang Enhanced Defense Cooperation Agreement ay tanging detalyes na nasarapat lamang gawin matapos pag-usapan ng mga pinuno ng mga bansa ang pinakalayunin at kung ano ang magiging sandigan ng kasunduan. Nauna umano ang detalyes kaysa pangkalahatang layunin ng kasunduan 'di tulad ng ginawa nila noong dekada sitenta.

Sa panig ni dating Congressman Willie Villarama, nararapat lamang maging responsable ang mga mamamayan sa paghalal ng mga manunungkulan sa pamahalaan. Inihalimbawa niya ang kanyang paninindigan laban sa pork barrel. Nagkataon, ani G. Villarama, siya ang nawala sa puwesto sa halip na ang pork barrel. Obligasyon ng mga mambabatas na magpanday ng batas at hindi ang magpagawa ng mga pagawing-bayan, dagdag pa ni G. Villarama.

Kay Jograd dela Torre, isa sa mga mang-aawit na may isyung panglipunan sa mga titik, patuloy siyang gagawa ng mga awitin na kahit paano'y makakatawag ng pansin sa madla upang tutulan ang mga kalabisan.

Itinanggi rin ni dating Senador Pimentel na nakinabang siya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas. Binigyang-diin ng dating senate president na malinis ang kanyang konsensya sa paggamit ng pondo ng bayan. Ipinaliwanag pa niya na kailangang maging matuwid ang mga mamamahayag sa pagbabalita at hindi pawang mga generalization lamang ang gagawin upang bumenta ang mga pahayagan.

Sinabi naman ni Commodore Robles na nararapat tingnan kung ano ang papel ng Department of Budget and Management sapagkat hindi biro ang pagpapalabas ng salapi. May mga tao umanong mula sa Department of Budget and Management na nag-aalok ng salapi subalit mababawasan ang kanilang release ng may 40%. Idinagdag pa niya na sa kanyang ala-ala, sa pangangailangan nila ng halimbawa'y P 10 milyon ay tanging P 6 na milyon lamang ang palalabasin at maiiwanan na ang P 4 na milyon sa DBM.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>