|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, magsasalita sa International Conference on Tourism and Climate Change

PANDAIGDIGANG PULONG SA TURISMO, IDARAOS SA ALBAY. Pangangasiwaan ni Albay Governor Jose Sarte Salceda ang pandaigdigang pulong sa Turismo at Climate Change na sisimulan sa Lunes, ika-19 ng Mayo. Panauhing pandangal si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. (Albay Province File Photo)
MAPAKIKINGGAN si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa harap ng tinatayang 300 delegado mula sa iba't ibang bansa sa Oriental Hotel and Resort sa Legazpi City sa susunod na Lunes, ika-19 ng Mayo.
Nakatakdang magsalita si Taleb Rafai, secretary general ng United Nations World Tourism Organization, Bb. Christiana Figueres, executive secretary ng United Nations Framework Convention on Climate Change. Ipakilala si Pangulong Aquino ni Tourism Secretary Ramon R. Jimenez, Jr.
Kabilang sa mga paksang pag-uusapan ang mga nagaganap sa turismo sa pagkakaroon ng pandaigdigang pagbabago sa klima sa pamamagitan ni Dr. Murray Simpson, Senior Research Associate ng Oxford University. Matatalakay din ang tugon ng turismo sa pagbabago ng panahaon sa pamamagitan ni Dr. Lisa Ruhenen, senior lecturer at Postgraduate Coursework Program Director ng University of Queensland sa Australia.
Nakatakdang talakayin ang mga oportunidad na magmumula sa matatag ng turismo at kahalagahan ng integral low carbon destination models. Paksa rin sa pagpupulong ang pag-uugali ng mga tusita sa innovative climate change.
Bago matapos ang pagtitipon, nakatakdang dumalaw ang mga delegado sa Lingñon Hill, sa Legazpi Boulevard, All-Terrain Vehicle at Mayon Lava Watching, Cagsaua ruins, Simbahan ng Daraga at Legazpi City Museum.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |