|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mayo 12 hanggang 18, deklaradong National Family and Marriage Week sa Pilipinas
DEKLARADO ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang araw na ito (Lunes) hanggang sa Linggo, ika-18 ng Mayo bilang National Family and marriage Week kasabay ng pagdaraos ng Asian Conference on the Family na sisimulan bukas, ika-13 hanggang ika-16 ng Mayo sa Maynila.
Ang pagpupulong ay nasa ilalim ng Catholic Bishops Conference of the Philippines at Pontifical Council for the Family ng Holy See.
Sa kanyang deklarasyon, sinabi ni Pangulong Aquino na mayroong mga probisyon sa Saligang Batas na kinikilala ng estado ang kasagraduhan ng buhay pamilya at gagawa ng sapat na pagtatanggol at kikilos upang mapalakas pa ang pamilya bilang basic autonomous social institution. Kabilang din sa argumento ang pagpapahalaga sa kasal bilang sandigan ng pamilya na nararapat ipagtanggol ng pamahalaan. Ipagtatanggol din ang karapatan ng pamilya at makikiisa at magsusulong upang ito'y higit na tumibay.
Magsama-sama ang mga delegado mula sa iba't ibang bansa sa Asia at pag-uusapan ang mga detalyes ng karapatan ng mga pamilya ayon sa isinulat ni Saint John Paul II noong 1983. Susuriin kung ano ang narating ng dekreto ng yumaong santo papa.
Si Bishop Jean Lafitte ang magsasalita sa apat na araw na pagtitipon sa Paco Catholic School bukas ng umaga. Bukas ng gabi (ay magsasalita rin siya) sa mga mambabatas at mga politiko samantalang ang conference proper ay idaraos sa Piux XII Catholic Center. Nakatakdang magsalita si Antipolo Bishop Gabriel V. Reyes, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Family and Life.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |