Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Talaan ng mga sangkot sa PDAF, lumago

(GMT+08:00) 2014-05-13 19:06:25       CRI
Talaan ng mga sangkot sa PDAF, lumago

MAY 13 mga senador at anim na dating mga senador ang sinasabing nasa talaang pinangalanang "Napolist," na nasangkot sa P 10 bilyong pork barrel scam na mula sa negosyanteng si Janet Lim Napoles.

Isang talaan ang napasakamay ng GMA News ang sinasabing kinasasangkutan ng isang miyembro ng gabinete, si Budget Secretary Florencio "Butch" Abad.

Naglabas ng pahayag si G. Abad at nagsabing wala siyang anumang pakikipag-usap kay Gng. Napoles. Ang pagsasangkot umano sa kanya sa iskandalo ay isang bahagi ng pagtatangkang pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon.

Sa isang text message sa mga reporter, sinabi ni Kalihim Herminio Coloma, Jr. na wala silang pipiliin o itatangi at pababayaan ang ebidensyang makakamtan na maging sandigan ng pagsisiyasat.

Ani Kalihim Coloma, "malinaw ang batayang prinsipyong itinakda ni Pangulong Aquino: hayaang ituro ng ebidensya ang direksyon ng pagsisiyasat. Walang hinihiwalay o kinakampihan, basta't kongretong ebidensya ang batayan."

Maliban sa naunang pinangalanang mambabatas na sina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, mga Senador Jose "Jinggoy" Estrada at Ramon "Bong" Revilla, Jr. na nakasuhan na ng plunder, idinawit pa rin sina Senador Alan Peter Cayetano, Pilar Juliana Cayetano, Francis Escudero, Gregorio Honasan II, Manuel Lapid, Loren Legarda, Ferdinand Marcos, Jr., Aquilino Pimentel III, Miriam Defensor Santiado at Vicente Sotto III.

Idinawit din sina dating Senador Edgardo Angara, Joker Arroyo, Robert Barbers (namayapa na), Teresa Aquino-Oreta, Ramon Magsaysay, Jr at Manuel Villar, Jr.

Tumanggi kaagad si Senador Escudero sa akusasyon. Wala umano siyang pakikipag-ugnayan kay Gng. Napoles at sa kanyang mga NGO.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>