|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Walang cover-up sa Senado
TINIYAK ni Senate President Franklin M. Drilon na hindi kailanman magkakaroon ng pagtatakip sa Senado hinggil sa nabalitang pagkakasangkot ng mga mambabatas sa kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund.
Sa isang "ambush interview" sa mga mamamahayag, sinabi niya na ang Senado ay isang institusyon ng demokrasya at ang pamahalaan ay isang pamahalaan ng mga batas ay hindi ng tao. Naglalabas-masok ang mga senador at iba pang mambabatas subalit nananatiling malakas ang lehislatura. Sa oras na matapos ang mga pagsisiyasat, tiyak na lalakas ang senado bilang institusyon ng burukrasya.
Niliwanag ng senate president na noong nakalipas na taon pa nila hiniling na alisin na ang PDAF. Labing-lima sa kanila ang nangakong hindi na tatanggap ng pondo sa ilalim ng PDAF. Suportado nila ang pagsisiyasat at pababayaang mabatid kung saan patutungo ang mga impormasyon ay ebidensya.
Ani G. Drilon, walang sinumang mas mataas pa sa batas. Suportado nila ang proseso ng pagsisiyasat.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |