Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gng. Janet Lim-Napoles, balik Fort Sto. Domingo na

(GMT+08:00) 2014-05-30 19:13:34       CRI

Gng. Janet Lim-Napoles, balik Fort Sto. Domingo na

NAIBALIK na sa Fort Sto. Domingo ang sinasabing utak ng "pork scam" Gng. Janet Lim Napoles matapos magpagaling sa Ospital ng Makati na kanyang kinalagyan mula noong ika-31 ng Marso.

Dumating siya sa kampo ng pulisya mga ika-sampu ng gabi kagabi matapos dumaan sa South Luzon Expressway. Ang Fort Sto. Domingo ang siyang pinagsasanayan ng mga kasapi ng Philippine National Police Special Action Force.

Naging mahigpit ang seguridad sa paglalakbay natapos siyang isakay sa isang kulay abuhing van mula sa Ospital ng Makati mga ika-siyam at kalahati ng gabi.

May limang patrol car ng pulisya at isang ambulansya na kasama sa convoy.

Magugunitang iniutos ng isang hukuman sa Makati na ibalik na ang sinasabing utak ng pork barrel scam sa kanyang dating kinalalagyan.

Sinabi ni C/Supt. Reuben Theodore Sindac na nilinis na ng pulisya ang selda ni Gng. Napoles. Pinasok na umano ng anay, ipis at iba pa ang kanyang detention cell.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>