Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Death Squad sa Tagum, matagal ng naghasik ng lagim

(GMT+08:00) 2014-05-21 19:08:23       CRI

Death Squad sa Tagum, matagal ng naghasik ng lagim

SINABI ng Human Rights Watch na dapat siyasatin ng pamahalaan ang lagim na naganap sa Tagum City dahilan sa ilang daang pagpaslang mula noong Enero 2007 hanggang Marso 2013.

Sinabi ng pandaigdigang samahan na may 298 mga pagpatay na sinasabing kagagawan ng "Tagum Death Squad." Walang sinumang naipagsakdal.

Nilalaman ng 71 pahinang ulat na pinamagatang "One Shot to the Head: Death Squad Killings in Tagum City, Philippines," sinasabing sangkot ang ilang opisyal ng pamahalaang lokal kabilang ang dating Tagum City Mayor Rey "Chiong" Uy at ilang mga pulis sa extrajudicial killings ng mga sinasabing drug dealer, mumunting mga kriminal, mga batang palaboy at iba pa sa nakalipas na sampung taon.

Nag-ugat ang ulat sa mga panayam at mga sinumpaang salaysay ng tatlong umaming kasapi ng death squad sa Tagum City na lumahok sa mga pagpasalang. Pinag-aaralan din ang kawalan ng determinasyon ng pamahalaan ng Pilipinas na magsiyasat at papanagutin ang mga may kasalanan.

Ayon kay Phelim Kine, deputy Asia Director ng Human Rights Watch na tumulong ang dating punong lungsod sa pagbuo ng death squad na sankot sa pagpaslang sa ilang daang taong nabiktima. Ayon sa punong-lungsod, ang mga napaslang ay kinikilala ng punong lungsod bilang masasamang damo.

Ayon sa Human Rights Watch, binuo ni Mayor Uy ang kanyang death squad noong 1998. Kasama sa grupo ang mga malalapit na kaibigan at ilang pulis ng lungsod. Binabayaran ang mga kalahok ayon sa (kasama ng) death squad bilang mga kasapi ng Civil Security Unit. Higit sa 36 katao ang nakapanayam ng Human Rights Watch kabilang ang mga nakaligtas sa pagtatangka sa kanilang buhay. Ang mga kasapi sa death squad na hindi sumusunod sa kautusan, humiling na magbitiw at posibleng maging biktima rin ng mga pagpasalang.

Ayon sa Human Rights Watch, maliwanag na sangkot ang Tagum City Police at dating Mayor Rey Uy sa operasyon ng Death Squad mula noong 1998 hanggang 2013.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>