Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hindi sapat ang talaan ni Napoles

(GMT+08:00) 2014-05-16 18:21:11       CRI

Hindi sapat ang talaan ni Napoles

HINDI sapat ang talaang isinumite ni Gng. Janet Lim Napoles bagama't inilabas na ni Senador Teofisto Guingona III ang talaan taliwas sa kahilingan ni Kalihim Leila de Lima na huwag munang ipamahagi sa mga mamamahayag ang nilalaman nito.

Idinagdag ng Kalihim ng Katarungan sa kanyang pahayag na inilabas sa media ngayong hapon na hindi ito (ang talaan) sapat sapagkat walang mga dokumento na susuporta sa talaan.

Ani ni Kalihim de Lima, malayo pa ito sa katotohanan sapagkat kailangan pa ng pagsisiyasat at pangangalap ng mga ebidensya tulad ng ginawa sa naunang reklamo kaya't nakarating sa Ombudsman.

Ipinaliwanag niyang kaya siya nanahimik ay upang magkaroon ng ibayong pagsusuri upang higit na matiyak ang katotohanan sa likod ng mga alegasyon.

Obligasyon umano ng Kagawaran ng Katarungan na palabasin ang katotohanan sa likod ng mga akusasyon at pahayag ng magkakabilang-panig. Mas makabubuti umanong maghintay ng kaunting panahon si Senador Guingona na matapos ni Gng. Napoles ang kanyang salaysay bago ito inilabas sa madla.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>