|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Ambassador ng Tsina, may matagal nang pinagsamahan

AMBASSADOR ZHAO, BUMATI KAY PANGULONG AQUINO. Nagkatagpo sina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa pagdiriwang ng Federation of Filipino Chambers of Commerce and Industry kagabi sa Manila Hotel. (Malacanang Photo)
SINABI ni Chinese Ambassador to Manila Zhao Jianhua na mayroong dalawang dahilan sa pagdiriwang kagabi sa Manila Hotel. Ito ay ang ika-116 na Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas at ang ika-13 China-Philippines Friendship Day na dinaluhan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at ng pamunuan ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc.
Ani Ambassador Zhao, sa nakalipas na ilang taon ay nasaksihan ang mabilis at nakamamanghang kaunlaran sa ekonomiya ng Pilipinas. Noong nakalipas na taon, nanguna ang Pilipinas sa mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations.
Idinagdag pa niya na ang kaunalran ng Pilipinas ay bahagi ng mas magandang kaunlaran sa ekonomiya ng Asia. Kinikilala na ang rehiyon bilang pinakamasiglang pook na pinagmumulan ng kakisigan ng pandaigdigang kaunlaran.
Ang regional integration tulad ng ASEAN economic community, ang ASEAN plus China at ang ASEAN plus China, Japan and South Korea is patuloy na sumisigla. Ang kalakalan sa loob ng rehiyon ay higit na sa US$ 3 trilyon samantalang ang antas na trade interdependence ay higit na sa 50%. Ang lahat ng ito ay nagpapakita na ang mga bansang nasa ASEAN ay handa na upang maging isang komunidad na magkakaroon ng malawakang kaunlaran.
Sinabi ni Ambassador Zhao na naktulong din naman ang Tsina sa economic development ng Asia. Higit umano sa 50% ang naiambag ng Tsina sa kaunalran sa rehiyon. Noong 2013, ang two-way trade sa pagitan ng Tsina at ASEAN ay umabot sa US$ 443.6 bilyon na kinatagpuan ng 10% dagdag sa nakalipas na taon.
Kung investments ng Tsina sa ASEAN ang pag-uusapan, mayroon nang higit sa US$ 100 bilyon. Mayroong direct investments ang Tsina sa ASEAN sa nakalipas na apat na taong-sunod at umabot sa 2,500 direct investment enteprises sa rehiyon. Pinakamalaking trading partner ng ASEAN ang Tsina sa nakalipas na apat na taon.
Samantala, ang Tsina, ayon kay Ambassador Zhao, ang pinakamalaking trading partner ng Malysia, Indonesia, Songapore, Myanmar at Vietnam. Target ng ASEAN at Tsina sa kanilang kasunduan na magtatangkang magkaroon ng kalakalang abot sa US$ 1 trilyon at pagpapalitan ng kalakal na US$ 150 bilyon pagsapit ng 2020.
Sa susunod na limang taon, bibili ang Tsina ng US$ 10 trilyon halaga ng mga paninda at ang foreign direct investments ng Tsina ay hihigit sa US$ 500 bilyon. Isinusulong din ng Tsina ang pinaghusay na bersyon ng China-ASEAN-AFTA sa pagtatayo ng Maritime Silk Road ng ika-21 siglo at paghahanda ng Asia Infrastructure Investment Bank.
Idinagdag pa ni Ambassador Zhao na ang kapayapaan at katatagan ang mahahalagang lahok para sa economic at social development. Karamihan umano ng mga bansa sa Asia ang maituturing na developing countries at layunin ng Tsina at mga bansa sa Asia na mapanatili ang pangrehiyong kapayapaan at katatagan.
Kapwa nahaharap ang Tsina at Pilipinas sa mga hamon ng kaunlarang pang-ekonomiya at pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga mamamayan. Mahalagang magkaroon ng pagtitiwala sa isa't isa at gamitin ang oportunidad na mapag-ibayo ang pagtutulungan upang manatili ang pangrehiyong kapayapaan.
Matagal na ang pinagsamahan ng Tsina at Pilipinas, higit na umano sa isang libong taon. Ang kalakalan ng dalawang bansa sa unang tatlong buwan ng 2014 ay umabot na sa US$ 12.5 bilyon na kinakitaan ng kaunlarang umabot sa 14.6% kung ihahambing sa nakalipas na taon. Pangalawa ito sa pakikipagkalakal ng Tsina sa mga bansang kabilang sa ASEAN. May 426,000 mga Tsino ang dumalaw sa Pilipinas na lumago ng may 70% kung ihahambing sa taong 2012.
Higit pang mapapaunlad ang kalakalal at turismo.
Kung ihahambing ang libong-taong pagkakaibigan ng dalawang bansa, ang pagsubok ng kinakaharap sa South China Sea ay panandalian lamang. Responsibilidad ng magkabilang panig na maging maayos at payapa sa pag-uusap. Bilateral relations ang susi sa pag-uusap na minana sa mga ninunong Tsino at Filipino. Lagi umanong pinahahalagahan ng Tsina ang mabuting relasyon sa Pilipinas. Malulutas din ang sigalot sa pamamagitan ng pag-uusap at mga konsultasyon.
Nananatiling kabalikat ng Pilipinas ang Tsina at mahalaga na ang papel ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry at iba pang mga samahan sa paglilingkod bilang pagpapatunay ng magandang relasyon ng dalawang bansa.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |