Pamahalaan, minamadali ang pagtatayo ng mga tahanan sa Leyte
SA pagsisimula ng tag-ulan, minamadali ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang pagtatayo ng matitirhan ng mga nakaligtas sa bagyong "Yolanda."
Ayon kay retired Admiral Alexander Pama na siyang pinuno ng NDRRMC, minamadali nila ang pagtatayo ng mga pabahay sapagkat mayroon pang trauma ang mga biktima ng daluyong at malakas na bagyo. Marami pa ring naninirahan sa mga tolda o temporary shelters.
Umabot ang pinsala ni Yolanda sa higit sa P 39 bilyon kanilang na ang P19.5 bilyong halaga ng mga pagawaing-bayan at higit sa P 20 bilyon sa sakahan.
Sa datos ng NDRRMC, mayroong 6,293 ang nasawi samantalang may 28,669 ang sugatan ay mayroong 1,061 ang nawawala pa hanggang ngayon.
1 2 3 4 5 6 7