![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
/PTNT/20140804.m4a
|
Ito ay tungkol sa tatlong magkakababata mula sa islang makikita sa silangan ng Tsina. Sila'y nagdesisyong magbyahe para muling kilalanin ang kanilang mga sarili. Ang kanilang paglalakbay ay puno ng katatawanan at kalungkutan habang nakatagpo ng magkakaibigan ang ibat ibang klase ng tao na nagbahagi sa kanila ng mahalagang leksyon sa buhay. Ito'y isang paglalakbay na nagbigay ng pagkakataon sa bawat isa na silipin ang kalooban at makadiskubre ng mga bagay sa kanilang katauhan na nagbago sa takbo ng kanilang buhay.
Nitong May, nilabas ang trailer ng The Continent at umabot sa 5milyon ang downloads nito. Talagang eagerly anticipated ang movie ni Han Han. Sa opening day ayon sa datos mula sa Entgroup, kumita ang pelikula sa Tsina ng $12 million. At matapos ang 11 days ng pagpapalabas ito ay may kabuuang kita na $82.13 million. Talagang malakas ang hatak ng nostalgic road movie ng popular na young Chinese novelist, heartthrob, racing driver and blogger na si Han Han.
Sa Tsina, si Han na 31 yrs old na ngayon, ay isang countercultural icon lalo na sa mga kabataang Tsino. Ang kanyang blog ay sinusundan ng mga fans dahil sa "oft-censored online social criticisms."
Sa kabila ng di gaanong kasikatan sa abroad, si Han Han ay napabilang sa 2010 Time magazine world's 100 most influential people.
Si Guo Jingming ang creator ng Tiny Times series at si Han Han ay parehong youth culture icons, sila ay parehong writers at talagang iniidolo ng mga teenage girls. Pareho silang matagumpay bilang novelists at ngayon sila'y matagumpay na rin bilang mga director ng pelikula. Pero may pagkakaiba ang dalawang ito.
Si Han Han, dahil sa kanyang rally car driving at boy-band good looks, ay itinuturing na hero of the youth counterculture at markado noon dahil sa kanyang pagpuna sa pamahalaan Samantala si Guo Jingming naman ay mas nagtutuon sa pagangat ng consumer culture sa Tsina na pinatutunayan sa Tiny Times franchise ng nagtampok ng mga glamorous lifestyle at popular brand names.
Si Han Han ay poster child ng post-80s generation. Nagsimula siyang maging kontrobersial sa middle school nang bumagsak siya sa 7 subjects at muling inulit ito sa sumunod na taon. Sa kanbila ng pagiging high school drop out tila talagang talented si Han Han sa pagsusulat.
Sinulat ni Han Han ang mga sumusunod na essays: One Degree Below Freezing (零下一度), Press Release 2003 (通稿 2003), And I Drift (就这么飘来飘去), and Miscellaneous Essays (杂的文). Matapos ito sumikat rin ang unang nobela niya, Triple Door (三重门), na tungkol sa buhay ng third-year junior high school student isa Shanghai, ang nagpasikat sa kanya sa buong Tsina.
Higit twenty million na kopya ang naimprenta kaya ito ay itinuturing na China's bestselling literary work in the last 20 years. Ang iba pa niyang mga nobela ay– Like a Speeding Youth (像少年啦飞驰), Riot in Chang'an City (长安乱), A Fortress (一座城池), Glory Days (光荣日) at His Kingdom (他的国)
Ayon sa mga write ups si Han Han ay madalas na pinag uusapan kumpara sa pagkakataong binabasa ang mga nobela niya. Tila marami ang naakit sa bad boy persona niya. Mukhang wala siyang takot na banggain ang lipunan at buong tapang na ilahad ang saloobin niya.
Si Han Han ay champion rally driver din. Recording Artist. Publisher. At ngayon isa na siyang successful film director salamat sa tagumpay ng The Continent. Sa puntong ito kilalanin natin ang bida sa pelikulang ito na si Bolin Chen.
Sa Beijing premier ng The Continent dumating ang isang di inaasahangv guest.
Walang iba kundi ang sikat na Hong Kong director na si Johnny To ang nag bigay suporta kay Han Han.
Sabi n iya
"I read Han Han's works, know he is a professional car racer, and I listen to his songs. How can there be such a talent and he was born in 1980s. This is rare."
Talagang na sorpresa si Han sa pagdating ni Johnny to sa premiere ng The Continent. Sinabi ni To na ayaw niyang dumalo sa mga premiere pero dahil hinahangaan niya ang talent o ni Han Han gaya ng writing, singing and car racing, he flew from Hong Kong to Beijing to support him. Di itinago ni Han ang kanyang pagkagalak na makita si To at ibinahagi na siya ay naenganyo ng pelikula ni To na "All About Ah-lang" at nag desisyong maging car racer.
Minsan tinananong ng CNNGo si Han Han: Racing versus writing... which are you more passionate about? At ang kanyang sagot ay " I'll go racing if there is a competition, and I'll write if there's no competition. But these two things are the same to me, because as long as you sit me down on a chair, I can fight." At ngayon tila panibagong laban ang gagawin niya mula sa upuan ng isang director.
Pakinggan ang review ng movie buddies sa Pelikulang Tsino Nood Tayo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |