Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, may sapat na programa laban sa terorismo

(GMT+08:00) 2014-09-12 18:47:09       CRI


 

Pilipinas, may sapat na programa laban sa terorismo

MAY SAPAT NA PROGRAMA ANG PILIPINAS. Ito ang reaksyon ng Pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ni Foreign Affairs Asst. Secretary Charles Jose hinggil sa travel advisory ng Tsina sa mga mamamayang ipagpaliban ang pagdalaw sa bansa dahilan sa malubhang situasyon. (File Photo/Melo M. Acuna)

INULIT ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas na mayroong kaukulang hakbang ang programang ipinatutupad ang Pilipinas upang maiwasan ang anumang peligro at mapigil ang anumang kaguluhan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Asst. Secretary Charles Jose na tinitiyak nila sa mga kinatawan ng Tsina sa Pilipinas na mayroong ibayong pagsisiyasat sa grupo ng tatlo kataong nadakip sa insidente sa Ninoy Aquino International Airport Terminal III noong unang araw ng Setyembre.

Ito ang reaksyon ng Pamahalaang Pilipino sa travel advisory na inilabas ng Tsina sa mga mamamayan nitong huwag maglakbay sa Pilipinas matapos dukutin ng mga armado ang isang kabataang Tsino sa kanilang tindahan sa Mindanao.

Ayon sa lumabas na pahayag ng Chinese Foreign ministry na sila'y nababahala sapagkat kumpirmado ng mga pulis na may pagbabantang manalakay sa Embahada ng Tsina, mga kumpanyang Tsino at mga matataong pook tulad ng mga shopping mall.

Sa lubha umano ng situasyon sa Pilipinas, hiniling ng consular service ng foreign ministry ng Tsina sa mga mamamayang Tsino na huwag nang maglakbay sa Pilipinas ng pangsamantala.

Kahapon, isang 18-taong gulang na nagngangalang Li Peizhi ang dinukot ng mga armado sa bayan ng Kabasalan sa Zamboanga Sibugay.

Tinangay pa ng mga armado ng P 20,000 mula sa kaha ng tindahan. Natagpuan ang sasakyang ginamit ng mga armado may dalawang kilometro ang layo sa kabayanan.

Ayon kay Mayor George Cainglet, maaaring mga Abu Sayyaf nang dumukot sa isang Australianong si Warren Richard Rodwell noong 2011, ang nasa likod ng insidente. Wala pa namang ransom demand ang grupo.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>