Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, may sapat na programa laban sa terorismo

(GMT+08:00) 2014-09-12 18:47:09       CRI

Pangulong Aquino, dadalaw sa Francia

PAMAHALAAN NAKATUON SA REPORMA. Sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na nakatuon ang kanyang liderato sa reporma. Sa kanyang talumpati sa Malacanang kanina, sinabi niyang darating din ang panahon upang kilalanin ang kanyang magiging kandidato sa 2016. (Lauro Montellano, Jr./Malacanang Photo Bureau)

HIGIT na lalago ang relasyon ng Francia at Pilipinas sa pagdalaw ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa paglalakbay sa Francia sa susunod na linggo.

Ayon sa Embahada ng Francia sa Maynila, darating si Pangulong Aquino sa Paris sa ika-17 ng Setyembre mula sa Brussels, Belgium at maglalakbay patungo sa Berlin, Germany sa ika-19 ng Setyembre.

Ito ang una niyang pagdalaw sa Francia mula ng mahalal ng pangulo noong 2010 at magiging kauna-unahang pagdalaw ng pangulo ng Pilipinas mula noong 1994.

Sampung cabinet secretaries at mga kinatawan ng private sector ang makakasama ni Pangulong Aquino. Sa kanyang pagdating sa Paris, bibigyan ng military honors si Pangulong Aquino sa Arc de Triomphe at magtutungo sa Elysée Palace upang makausap si French President François Hollande.

Sasaksi sila sa paglagda sa mga kasunduan sa larangan kultura, edukasyon, transportasyon, komunikasyon at iba pa.

Isang joint communiqué ang ibibigay sa harap ng mga mamamahayag sa susundan ng isang pananghalian sa karangalan ni Pangulong Aquino.

Magtutungo si Pangulong Aquino sa Hotel Matignon para sa bilateral talks kasama si French Prime Minister Manuel Valls.

Sa Huwebes, ika-18 ng Setyembre, pasisinayaan ni Pangulong Aquino ang Philippines-France Business Council sa Hotel Intercontinental na itinataguyod ng Mouvement des entreprises de France International at ng Department of Trade and Industry.

Magsasalita rin si Pangulong Aquino sa Institute Francais des relations internationals, isang think-tank na may tanggapan sa Paris. Inaasahang sasalubong sa Paris si French Ambassador to Manila Gilles Garachon.

Samantala, sa pagdalaw ni Pangulong Aquino sa Berlin, makakasama niya, sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa, ang isang ambassador ng Pilipinas na hindi pa nakakapasa sa Commission on Appointments.

Ang paghirang kay Ambassador Melita Sta. Maria-Thomezeck ang nakabilang sa mga nabiting usapin sa paglayas ni Senador Mirian Defensor Santiago sa pagdinig ng Commission on Appointments.

Lumiham si Senador Santiago kay Senate President Franklin Drilon na paalalahanan naman ang mga kabilang sa komisyon na pumasok na maaga upang hindi magkaroon ng problema sa quorum.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>