Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Oxfam, nanawagan sa pamahalaan

(GMT+08:00) 2014-10-15 19:45:50       CRI

Oxfam, nanawagan sa pamahalaan

MARAPAT na ipatupad ang relocation plans at igalang ang karapatan ng mga biktima.

Ito ang panawagan ng Oxfam halos isang taon matapos manalasa ang bagyong "Yolanda" sa Eastern Visayas. Karamihan umano ng may 200,000 pamilya na kinilala para sa resettlement ng pamahalaan ang naninirahan sa bunkhouses, mga tahanang inayos sa pamamagitan ng mga bahaging kinahoy sa mga nasirang gusali at maging mga tolda.

Upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan, inanyayahan ng international aid group na Oxfam ang mga kinatawan ng pamahalaan at international agencies sa isang round-table discussion na "The Right Move? Resettlement One Year on from Yolanda."

Ipinagutos ni Pangulong Aquino ang pagkakaroon ng 'no-build zone' may 40 metro mula sa baybay-dagat kasunod ng daluyong na dala ni "Yolanda." Inilabas ng Office of the Presidential Adviser on Rehabilitation and Recovery ang direktiba na kilalanin ang mga pook na ligtas, 'di ligtas and kontroladong mga pook base sa geo-hazard mapping.

Ayon sa Oxfam, samantalang masasabi ang mga 'di ligtas na mga pook ayon sa pagsusuri at pag-aaral, kailangang maliwanag ng pamahalaang pambansa kung paano maipatutupad ng pamahalaang-lokal ang palatuntunan ayon sa local development at land-use plans. Mga mangingisda ang tinamaan ng bagyong "Yolanda." Mga naninirahan sa mga baybay-dagat ang nakatakdang ilipat. Ang kakulangan ng public land ang magiging dahilan na mailalayo ang mga mangingisda sa kanilang hanapbuhay.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>