Senado, layuning alamin ang detalyes ng sinasabing pagpatay sa Olongapo
NAIS ni Senador Miriam Defensor-Santiago, chairperson ng Foreign Relations Committee, na mabatid ang detalyes sa pagpatay sa isang transgender noong Sabado ng gabi sa kamay ng isang kawal na Americano.
Itinakda ni Senador Santiago ang pagdinig sa darating na Miyerkoles, ika-22 ng Oktubre. Aanyayahan ang mga pulis na nakatalaga sa usapin, mga kawani ng hotel nang pumasok sa pook ang biktima at suspect. Makakasama rin sa pagdinig ang pamilya at mga kaibigan ng napaslang.
Mahalagang isagawa ang pagdinig sa gitna ng military exercises at sa paghaharap ng mga opisyal ng America at Pilipinas kahapon sa Campo Aguinaldo.
1 2 3 4 5 6