Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Suspect sa pagpaslang sa transgender, hindi sumipot sa piskalya

(GMT+08:00) 2014-10-21 19:07:32       CRI

HINDI dumalo sa preliminary investigation si Private First Class Joseph Scott Pemberton sa usaping pagpatay kay Jeffrey Laude.

Sa pagdinig sa Olongapo City Prosecutor's Office na napanood sa telebisyon, sinabi ng abogado ni Pemberton na ibinigay ang subpoena sa suspect noong ika-17 ng Oktubre at hindi na kinailangan ang kanyang pagdalo sa pagsisiyasat.

Ayon kay Atty. Rowena Flores, binigyan lamang si Pemberton ng 10 araw, hanggang ika-27 ng Oktubre na magsumite ng counter-affidavit. Ito ang sinabi ni Atty. Flores kay Prosecutor Emilie Fe delos Santos.

Idinagdag ng abogada na gagamitin niya ang sampung araw upang pag-aralan ang usapin at ang iba't ibang mga dokumento na isinumite ng mga nagreklamo bago magsumite ng counter-affidavit.

Ayon naman kay Prosecutor delos Santos, nararapat humarap si Pemberton sa susunod ng preliminary investigation sa Oktubre 27.

Akusado si Pemberton ng pagpatay sa isang Filipino sa isang hotel sa Olongapo City at pinaniniwalaang nabibimbin sa USS Peleliu na nakadaong sa Subic Port.

Apat na iba pang Americanong kawal na sinabing saksi ang hindi dumalo sa preliminary probe. Ayon sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, nakaalis na sila ng bansa.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>