|
||||||||
|
||
Bulkang Mayon, na sa ilalim pa rin ng Alert Level 3
NAGKAROON ng apat na volcanic earthquakes at tatlong pagguho ng mga bato sa nakalipas na 24 na oras. Naging banayad ang paglalabas ng puting usok nito patungo sa timogkanluran.
Napuna ng mga tauhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na dumaloy ang kumukulong putik may 300 hanggang 400 metro ayon sa aerial survey kahapon. May maputlang pamumula ng labi ng bulkan kagabi. Ang auspreng ibinuga niyo ay umabot sa 272 tonelada sa bawat araw, Napunang humupa ang pamamaga ng bulkan mula noong ika-14 hanggang ika-16 ng Oktubre kung ihahambing sa hugis nito noong ika-4 hanggang ika-10 ng Oktubre ng taong 2014 bagama't namamaga pa rin ang bulkan ayon sa baseline measurements.
Binabantayan pa rin ng mga dalubhasa ang mga nagaganap sa bulkan kahit pa nasasaklaw lamang ng Alert Level 3 ang 2,462 metrong bulkang nasa puso ng Albay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |