Philippine Red Cross Chair Gordon, dumalaw sa Beijing
NAGSALITA si Phil. Red Cross Chairman Richard Gordon sa 9th Asia Pacific Conference sa Beijing at tinawagan ng iba't ibang Red Cross at Red Crescent societies of Asia Pacific na magsalita hinggil sa nagaganap na Ebola outbreak sa West Africa.
Si dating Senador Gordon ay kasapi sa governing board ng International Federation of the Red Cross, ay nagsabing nakikiisa ang madla sa Asia Pacific region kasabay ng panawagan sa mga Red Cross chapters sa Asia at Pacific na magtulungan sa pagbuo ng human at financial resources na kailangan upang matugunan ang krisis particular ang nagaganap na epidemia sa West Africa.
Ani G. Gordon, ang World Health Organization ay nagsabing ang death rate ng Ebola ay tumaas na ng 70% at maaaring magkaroon ng hanggang 10,000 bagong kaso ng Ebola sa bawat linggo ng Disyembre. Nararapat ding ipagsanggalang ang mga hanggangan ng mga bansa. Kailangang matutuhan ang nagaganap upang makapaghanda ang mga bansa laban sa Ebola bago pa man makarating sa iba't ibang pook.
1 2 3 4 5