|
||||||||
|
||
Pagsasanay ng mga mamamahayag, NGOs at pamahalaan, sinimulan
PAGPUPULONG NG MGA MAMAMAHAYAG HINGGIL SA OVERSEAS FILIPINOS SINIMULAN. Nagsasalita si G. Ric Casco ng International Organization for Migration sa harap ng mga delegado mula sa media, non-government organizations at pamahalaan sa pagsisimula ng tatlong araw ng pulong sa Subic sa Olongapo City. (Melo M. Acuna)
HALOS 50 kataong mula sa mga himpilan ng radyo, telebisyon, online, mga non-government organization at pamahalaan ang nagsama-sama sa Subic sa Zambales upang pag-usapan at talakayin ang mga suliraning kinahaharap ng mga manggagawang nangingibang-bansa.
Pinag-usapan ang pinag-ugatan ng pangingibang-bansa ng mga Filipino mula noong 1900 sa pagtungo ng mga Ilocanong manggagawa sa pinyahan sa Hawaii. Nasundan ito ng pangingibang bansa ng mga propesyunal noong dekada 50 hanggang 60 sa pagtungo ng mga propesyunal sa Estados Unidos at Canada.
Naging paksa rin ang nagbabagong larangan ng international migration. Susuriin din ang kalagayan ng pagbabalita ng mga mamamahayag hinggil sa kalagayan ng mga manggagawang Filipino sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Bahagi rin ng pagpupulong ang pagtalakay sa mga karanasan ng mga manggagawang Filipino.
Itinataguyod ng International Organization for Migration, European Union at Department of Labor and Employment ng Pilipinas ang pagpupulong na magtatapos sa darating na Huwebes.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |