|
||||||||
|
||
Namayapang senador, pararangalan ng mga kapwa mambabatas
ISANG parangal ang nakatakdang gawin para sa yumaong Senador Juan M. Flavier sa pagbubukas na muli ng sesyon sa darating na ika-17 ng Nobyembre. Naglingkod si Senador Flavier mula noong 1995 hanggang 2007. Namayapa si Dr. Flavier noong nakalipas na Huwebes, ika-30 ng Oktubre dahil sa pneumonia.
Hihintayin ng mga mambabatas sa pamumuno ni Senate President Franklin M. Drilon ang labi ng namayapang mambabatas sa ganap na ika-siyam at kalahati ng umaga.
Ang mga senador, kasama ang maybahay at mga anak at senate secretary, Sgt. at Arms, senate legal counsel at directors general ang sasalubong sa abo ni Senador Flavier. Dadalhin ang abo ng mambabatas ng mga opisyal ng Philippine National Police.
Magtatalumpati ang mga senador hinggil sa mga nagawa ng yumaong mambabatas.
Isang panaghalian ang inihanda ng Senado para sa pamilya at mga kamag-anak ng senador.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |