|
||||||||
|
||
Pag-aaral ng mga naulila ng mga kawal, sagot ng pamahalaan
TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines na sasagutin nila ang pag-aaral ng mga naulila ng mga nasawi sa sagupaang naganap sa Basilan.
Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, chief ng AFP Public Affairs Office na napagkasunduan sa isang pulong sa pamilya ni 2Lt. Jun Corpuz na ang mga naulila ng mga namatay ay makatatanggap ng educational support sa ilalim ng AFP Educational Benefit System Office (AFP EBSO).
Isa si Corpuz sa anim na kawal na nasawi sa Basilan noong Sabado. Gagawin na ni Lt. Col. Lawrence Aninag, assistant manager ng AFP EBSO, ang pagpoproseso para sa mga scholarship grants para sa mga kapatid ni Corpuz.
Kwalipikado ang mga anak ng mga may-asawang kawal at mga kapatid ng mga binata o dalagang kawal sa scholarshipkabilang na ang nilalaman ng Presidential Decree 577 na naglaan ng scholarship mula sa elementarya hanggang kolehiyo. Kasama rin ang DND-CHED-PASUC na magbibigay ng libreng tuition fees sa mga dalubhasaan at pamantasan pag-aari ng pamahalaan.
Dalawang kapatid ni 2Lt. Corpuz ang tatanggap ng scholarship.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |