Mga naninirahan sa mga tolda, mawawala na sa Disyembre 30
NANGAKO si Social Welfare and Development Secretary Corazon Juliano-Soliman na ginagawa na nila ang lahat upang maalis na sa mga tolda ang mga nalalabing nakaligtas sa hagupit ni "Yolanda" pagsapit ng ika-30 ng Disyembre.
Noong nakalipas na Hunyo, mayroong 3,219 na pamilya ang naninirahan sa mga tolda at mga barung-barong sa Leyte at Samar. Karamihan umano ng mga barung-barong ay naalis na at nailipat sa mas ligtas na matitirhan.
Kasama ng DSWD ang International Organization for Migration sa paglilipat ng 138 pamilya sa mga bunkhouse communities.
1 2 3 4 5 6