|
||||||||
|
||
Mga punong bayan, nangakong susuportahan ang kampanya laban sa Abu Sayyaf
MGA PUNONGBAYAN NG BASILAN, TUTULONG NA. Ibinalita ng Armed Forces of the Philippines na nangako ang 13 punongbayan ng Basilan na makikiisa sila sa kampanya laban sa Abu Sayyaf. Naganap ang pulong sa AFP Western Mindanao Command na dinaluhan ni AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang, Jr. (AFP Photo)
NANGAKONG makikipagtulungan ang may 13 punong bayan tutulong sa kampanya ng pamahalaan laban sa Abu Sayyaf.
Sa isang balita mula sa Armed Forces of the Philippines, kaninang ika-sampu ng umaga, 13 mga punongbayan ang nagtungo sa Western Mindanao Command upang makipagpulong kay Lt. General Rustico Guerrero. Ang general ang nakakasakop sa mga militar sa mga rehiyong pinagkukutaan ng mga Abu Sayyaf, tulad ng Basilan at Sulu.
Sumama sa kanila si ARMM Governor Mujiv Hataman. Nakinig sa pulong si General Gregorio Pio Catapang, Jr. ang pinuno ng buong Armed Forces of the Philippines. Nababahalaga umano ang mga punongbayan.
Ani Mayor Durie Kalahal ng Tuburan, nais na nilang suportahan ang programa ng pamahalaan upang masugpo na ng tuluyan ang mga terorista sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay General Catapang, maglulunsad ang AFP ng all-out law enforcement operation laban sa Abu Sayyaf sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police. May limang batalyon ng iba't ibang military units ang ikakalat sa mga pook na pinagkukutaan ng mga armado.
Sapat na umano ang mga kawal sa Basilan na maghahabol sa mga bandido samantalang babantayan ang pagpapagawa ng Basilan Circumferential Road project. Makikipagtulungan din ang mga kawal sa mga mamamayan para malutas ang karaniwang suliranin sa pook maliban sa pagsugpo sa Abu Sayyaf.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |