Ang Fleet of Time (匆匆那年) ay pelikula na directed by by Zhang Yibai. Ito ay isang adaptation ng popular novel ng Chinese writer na si Jiu Yehui (九夜茴). Bukod sa pelikula ang nobela ni Jiu Yehui ay ginawa na ring isang internet series.
Iisang coming of age na pelikula ang Fleet of Time at ito ay tungkol sa isang grupo ng magkakabarkada na nagpakita ng kanilang karanasan mula nasa high school, college at hanggang sa kanilang pagtanda sa panahon ng dekada 90s hanggang 2000s.
Ang cast ay kinabibilangan nina Eddie Peng, Ni Ni, Ryan Zheng, Vision Wei, Zhang Zixuan, Michael Chen, Bi Xia at Cya Liu.
Ayon sa direktor nitong si Zhang Yibai revealed na ang kahihinatnan ng buhay ng mga karakter sa pelikula ay medyo malalaman sa lyrics ng kanta. Kaya ang pag-awit ni Faye Wong ay may mahalagang bahagi sa story ng pelikula. Sa pelikula isinulat ni Eddie Peng ang awit na ito para kay Ni Ni. Pero sa kasamaang palad hindi ito narinig ni Ni Ni.
Ang lyrics ng kanta ay isinulat ng sikat na lyricist na si Albert Leung (林夕). Ang liriko ng kanta ay kanyang nabuo matapos niyang basahin ang 1,000-word synopsis of the film. At sa proses ng paggawa ng pelikula madalas na nakikipag tagpo si Albert Leung sa writers para mas maging malalim ang pagunawa nito sa istorya at nang sa gayon ay maperpekto nito ang lyrics. Kaya ayon sinasabi ni Director Zhang Yibai na ang kanta ay di lamang work of art, pero isang vital part ng Fleet of Time.
Alamin kung ano ang kaibhan ng Fleet of Time sa mga naunang coming of age films mula sa mga movie buddies na sina Andrea, Sarah at Mac. Pakinggan ang kanilang mga impormasyong ibinahagi sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.
Si Ni Ni
1 2 3 4 5