Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mayor Estrada, mananatili sa puwesto

(GMT+08:00) 2015-01-22 15:19:37       CRI

1 Mayor Estrada, mananatili sa puwesto

KWALIPIKADONG tumakbo sa pagka-alkalde ng Maynila si dating Pangulong Joseph Estrada noong 2013 ayon sa naunang desisyon ng Commission on Elections na sinangayunan ng Korte Suprema sa desisyong inilabas kanina.

Ang Korte Suprema, sa desisyong nilagdaan ni Associate Justice Teresita Leonardo de Castro, ang nagpawalang-saysay sa pinagsama-samang mga petisyon nina dating Manila Mayor Alfredo S. Lim, ang kandidatong tinalo ni G. Estrada noong 2013, at ng kanyang abogadang si Alicia Risos-Vidal.

Si De Castro ang chairperson ng Sandiganbayan Special Division na humatol kay Estrada sa usaping plunder.

Nagkaroong 11-3 boto na sumangayon sa desisyon ng Commission on Elections, sa pagkilala sa kapatawarang ibinigay ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kay Estrada matapos mapatunayang nagkasala.

Ayon kay Public Information Chief Atty. Theodore Te sa isang press conference na karamihan sa mga mahistrado ang kumilala sa pagpapatawad kay Estrada bilang absolute kaya't balik na ang mga karapatan ni G. Estrada bilang kandidato sa halalan noong 2013.

Ang pagtanggap ni G. Estrada ng absolute pardon ang nag-alis ng disqualification mula sa Section 40 ng Local Government na may relasyon sa Section 12 ng Omnibus Election Code.

Ang tatlong kontra sa desisyon ng nakararami ay sina Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, Senior Association Justice Antonio Carpio at Associate Justice Marvic Leonen. Hindi lumahok sa botohan si Associate Justice Francis Jardeleza.

Ayon sa mga nagpetisyon, ang conviction at hatol na mabilanggo ng habang-buhay ay sapat nang dahilan upang hindi na mapahintulutang tumakbo sa anumang halalan. Nagpasalamat naman si Mayor Estrada sa Korte Suprema sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>