3 Dalawang araw na pag-uusap ng America at Pilipinas, natapos na
NATAPOS na kahapon ang dalawang araw na pag-uusap ng America at Pilipinas na idinaos sa Maynila. Ito ang ikalimang Bilateral Strategic Dialogue n na sinasabing nagpatibay ng pagtutulungan ng dalawang bansa sapagkat tumugon ito sa medium at long-term strategies upang makasunod sa mga pangangailangan ng ika-21 siglo.
Sa kanilang joint statement, nanatiling mahalaga ang Mutual Defense Treaty of 1951 na inulit sa November 2011 declaration at binigyang halaga sa Enhanced Defence Cooperation Agreement. Ipagpapatuloy ang mahahalagang nilalaman nito sa larangan ng pambansa at pangmalawakang kakayahan kabilang ang paglaban sa terorismo, pagpapalakas na seguridad sa karagatan, maritime domain awareness at mapagibayo ang disaster risk management, Disaster preparedness at madaliang tugon sa anumang emerhensya.
Kapwa pinamunuan nina Undersecretary for Foreign Affairs Evan P. Garcia at Undersecretary of National Defense Pio Lorenzo F. Batino ang nasa panig ng Pilipinas samantalang sina Asst. Secretary of State Daniel Russel and Assistant Secretary of Defense David Shear ang namuno sa delegasyon ng Estados Unidos.
1 2 3 4 5 6