|
||||||||
|
||
Lider ng mga guerilyang sumalakay sa Mati, ipagsasakdal
NAHAHARAP sa mga usaping kriminal ang isang nagngangalang Prince Wendel Olofernes, isang commander ng NPA Southern Mindanao Regional Committee kahapon.
Nakasuot pa umano ng uniporme ng militar si Olofernes ng madakip sa Barangay Taguibo. Ang pinaghihinalaan ang sinasabing namuno sa isang pulutong ng mga rebeldeng sumalakay sa Mati police station sa Davao.
Ayon kay Lt. General Aurelio Baladad, commander ng AFP – Eastern Mindanao Command, ipagsusuplong nila si Olofernes subalit titiyaking hindi malalabag ang kanyang karapat at bibigyan ng due process. Isang pinagsanib na legal action group ang naghahanda sa pagsusuplong kay Olofernes ayon sa Republic Act 9851 na kilala sa pangalang International Humanitarian Law.
Isang kawal ang nasawi sa pagsalakay ng mga rebelde noong Linggo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |